Ai-Ai delas Alas calls out netizen for comparing ratings of Coco Martin, Alden Richards shows

IMAGE Noel Orsal

Kapuso star Ai-Ai delas Alas asks a netizen not to compare the ratings Coco Martin's Ang Probinsyano to Alden Richards's Victor Magtanggol.


Nakiusap si Ai-Ai delas Alas sa isang follower niya sa Instagram na huwag pagkumparahin ang ABS-CBN prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano at ang katapat nitong GMA-7 teleseryeng Victor Magtanggol.

Nag-ugat ito sa pagre-repost ni Ai-Ai ng Instagram post ng kanyang panganay na anak na si Sancho delas Alas, kung saan nagpasalamat ito dahil isang taon na siyang bahagi ng cast ng Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing "highest rating" ang Ang Probinsyano at nilalampaso raw nito ang katapat na programa.

Katapat ng teleserye ni Coco ang Kapuso prime-time series na Victor Magtanggol, na pinangungunahan ni Alden Richards.

Sumagot dito si Ai-Ai.

Sabi ng Kapuso star, ang pagre-repost niya ng post ni Sancho ay pasasalamat niya sa Kapamilya network dahil binigyan ng pagkakataon ang kanyang anak na maging bahagi ng kanilang programa.

Pero hindi naman daw dapat magkaroon ng pagkukumpara, lalo pa't siya ay nasa bakuran na ng GMA-7 at kaibigan niya si Alden.

“Wag naman pong ganun kaibigan ko si alden —post ko ito bilang pasasalamat sa abs at kay coco and dreamscape para sa anak ko...

“D na naten kailangan super compare alam naman po naten yan wag na naten ungkatin ng bonggang bongga .. taga gma na din po kasi ako,” mensahe ni Ai-Ai.

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN