Daniel Padilla, Kathryn Bernardo reveal their dream wedding

IMAGE James Patrick Anarcon

Daniel Padilla looks forward to spending more time with Kathryn Bernardo. He says, "Marami pa kaming hindi nagagawa ni Kathryn, so looking forward din ako lalo na sa personal kaysa sa trabaho. Mas looking forward pa akong makasama si Kathryn sa mas marami pang biyahe sa personal naming mga buhay dahil marami pa kaming gagawin."


Napag-uusapan na raw nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga posibleng mangyari sakaling magkasama sila sa iisang bahay, tulad ng mga karakter nila sa pelikulang The Hows of Us.

Sa katunayan, inamin ni Daniel na nakikita niyang si Kathryn na ang kanyang mapapangasawa.

“Doon naman dapat ang puntahan natin,” sabi ni Daniel sa entertainment reporters sa panayam sa kanila matapos ang press conference ng The Hows of Us ngayong araw, August 22.

Hindi pa raw niya masabi kung kailan ito mangyayari, pero mukhang desidido na si Daniel.

Sabi niya, “Ayaw ko ng late. Kasi, importante sa akin ang personal na buhay.

“Nandito tayong lahat sa industriyang ito, pero kailangan nating bumitaw sa totoong buhay natin.”

Inamin din ng reel-and-real life couple na napag-uusapan na nila ang kanilang dream wedding.

“Hindi biruan, seryoso,” sabay pang sabi nina Daniel at Kathryn.

HIS AND HER DREAM WEDDING

“Ang problema, magkaiba ang dream wedding ko sa dream wedding niya!” natatawang sabi ni Kathryn.

Pangarap ng aktres ang isang simple at intimate beach wedding.

Kabaligtaran ito ng gusto ni Daniel, “Ako, gusto ko naman, sa simbahan, pero lahat ng fans nandun.

“Naiisip ko lang, parang hindi ba nila deserve yun? Yung moment lang na yun.

"Pero it doesn’t mean na may pictorial dun. Wala, nandun lang sila.”

Biro tuloy ni Kathryn, “May meet and greet pa rin!”

Paliwanag naman ni Daniel, “Siyempre, pinanood nila yung journey natin, e.

"Di ba nila deserve makita kung saan napunta?”

Sabi na lang ni Kathryn, “Nagtatalo na kami yun pa lang.

"Problemahin na lang namin kapag malapit na.”

Saan namang beach ang gusto ni Kathryn para sa kanyang kasal?

Sagot niya, “Baka mahal kung abroad, mahirap pumunta yung guests.

"Dito na lang, at saka magaganda ang beach natin.”

Pabirong hirit naman ni Daniel, “Sa Camayan sa Subic, puwede na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

KEEPING THE MAGIC ALIVE

Sa isang bahagi ng trailer ng The Hows of Us, may linya ang karakter ni Kathryn na, “Pagod na akong bitbitin ka.”

Naranasan na rin ba nina Daniel at Kathryn ang kapaguran sa anim na taon na sila lang ang palaging magkasama?

Sagot ni Daniel, “Sa buong buhay ko sa showbiz, siya lang ang kasama ko, hanggang ngayon.

“So, imagine niyo na lang na sa personal, magkasama kami; pati sa trabaho, every day magkasama kami.

“Kung iisipin niyo mukhang masaya siya, di ba, dahil araw-araw kayong magkasama.

“Pero siyempre, darating yung point na, ‘Araw-araw na tayong magkasama, Kathryn, ‘no?’

"Di ba, darating, e, normal yun... So, yung question is, kung paano siya nagiging bago.

“Yun siguro yung magic na sinasabi ko. Dumadating man kami sa puntong yun, bumabalik din kami.

"At nare-refresh din kami sa mga sarili namin, at nami-miss ko pa rin siya kahit araw-araw ko siyang kasama.

“Hindi na kami sanay na magkahiwalay. Kung iisipin niyo, sa long run naman.

“I think nasa desisyon na namin yun bilang partners, kung paano namin gagawing bago o gagawin fresh ang relationship namin.”

LOOKING FORWARD

Mabuti na lamang daw at bago ang relasyon nila ay naging magkaibigan muna sila ni Kathryn.

“Well, noong una naman kasi kaming magkakilala, magkaibigan muna kami.

“May something yun, mas madali para sa akin dahil marami pa kaming hindi nagagawa ni Kathryn.

"So, looking forward din ako lalo na sa personal kaysa sa trabaho.

“Mas looking forward pa akong makasama si Kathryn sa mas marami pang biyahe.

"Sa personal naming mga buhay dahil marami pa kaming gagawin.

“I think yun yung the next level of love or relationship, yun lang lagi.”

Dugtong naman ni Kathryn, “Minsan mas mahirap para sa amin mismo.

“Kapag parati po kasi kayong magkasama, mas nagkakapikunan kayo.

“Kapag pagod, mas nabubuhos mo ng galit mo sa isa o mas mainit yung ulo ng isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang mas tine-test yung patience niyo.”

GROWING TOGETHER

Kasunod nito, inilahad ni Kathryn ang  sikreto sa matagal nilang samahan ni Daniel.

Aniya, "Yung secret dun, ilang years na ba, is you grow together.

“Dapat siguro hindi mawawalan ng reason yung isa o hindi maiisip ng isa na, ‘Okay, sawa na ako.’

"Hindi mo na pararatingin sa ganun, kailangan may nabibigay kang iba o mas nagma-mature nga kayo together.

“Ang laking bagay nun, e. Like, yung two years ago, yung mga pinag-aawayan namin two years ago, hindi ko masasabi na yun ang pinag-aawayan namin ngayon.

"Iba na, pati yung pinag-aawayan niyo, kung paano kami sa isa’t isa.”

“Ang secret talaga is you grow together. Basta huwag lang too much sa lahat.

"Basta si DJ, ibinibigay ko pa rin ang buhay niya with family and friends.

“Ako, binibigyan din niya ako. Basta huwag lang to the point na sasakalin niyo ang isa’t isa.

“Kailangan mayroon din kayong buhay separately.

“Of course, mas okay kung magkasama kayo, mas okay ang maibibigay niyo sa lahat.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN