Naaresto si Kit Thompson noong Pebrero 2014 sa isang music event sa Clark dahil sa pagma-marijuana.
Three years ago ay tumulak siya pa-U.S. para mag-aral ng acting.
Balik-pelikula ngayon si Kit sa The Hows Of Us, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa presscon ng pelikula nitong Agosto 22, Miyerkules ng hapon, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City ay inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kit kung paano nakatulong sa kanya ang pagkakasangkot niya noon sa marijuana use.
“Help?” natatawang sambit ng 21-anyos na binata, na napayuko.
Anong lesson ang natutunan niya sa episode na iyon ng kanyang buhay?
“Lesson... Marijuana... huwag ‘yan! Huwag ‘yan!” halos pabulong na sambit ni Kit.
“Duterte, nakikinig! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Pero natuto siya dahil sa pangyayaring iyon?
“Oo naman,” pagseseryoso ni Kit. “Oo naman.”
Bahagi na lang iyon ng pagiging agresibong kabataan niya?
“Feeling free, I guess,” pagkibit-balikat ni Kit.
“Alam mo naman, siyempre bata pa, e. Growing up. Learning from your mistake.”
READY FOR FRONTAL NUDITY
Napakatapang noon ni Kit sa indie movie na #Y (Cinemalaya 2014), kung saan may masturbation scene siya sa shower.
Lalampasan pa ba niya ang tapang niya sa pelikulang iyon?
“Oo naman! Oo naman!” nakangiting tugon ng Fil-Am actor.
Hanggang saan ang kaya niyang gawin?
“Hanggang... kaya!” pagturo niya sa itaas, as if sky is the limit.
Kaya niyang mag-frontal nudity?
“Why not?” simpleng sagot ni Kit.
“Basta ako, nagugustuhan ko yung script, gagawin ko.”
Bida sina Kit at Mylene Dizon sa isang entry sa Cinemalaya 2019. Tampok din si Kit sa isang digital series ng Kapamilya Network.
Wala pa namang requirement sa kanya na mag-frontal sa mga proyektong ito.