Paulo Avelino mulls retiring from showbiz

IMAGE Noel Orsal

Paulo Avelino, who is celebrating his 10th showbiz anniversary, says, "It comes to a point when you get to realize na parang gusto ko nang magpahinga talaga. I think, hindi dahil sa akin, pero ang hirap na hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawing pelikula kesyo ganito, kesyo ganyan."


“Parang gusto ko nang mag-retire, sa totoo lang.”

Ito ang naging pahayag ni Paulo Avelino, 30, nang matanong kung ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral na ang magiging daan para mas lumaki pa ang pangalan niya sa showbiz.

Sa ginanap na press conference ng Goyo ngayong Huwebes, August 23, sinabi ng Kapamilya actor ang intensiyong maghinay-hinay muna sa mga susunod na proyektong gagawin niya.

Aniya, “I've mentioned this before, pero parang it's nice to be recognized by a lot of people. I'm very grateful for that.

"I am very grateful to the people who help me rise not just as an artist but also as a celebrity.

"I'll always be grateful.

“But it comes to a point when you get to realize na parang gusto ko nang magpahinga talaga.”

Patuloy ni Paulo, “I think, hindi dahil sa akin, pero ang hirap na hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawing pelikula kesyo ganito, kesyo ganyan.

“Parang gusto kong gumawa ng pelikula at projects at my own pace.

“Hindi yung kailangan kong gumawa ng pelikula dahil kailangan kong gumawa ng blockbuster hit or kailangan ng ganito.

“Parang hindi lang para mag-grow ako as a person, but also to help the film industry or the people in the industry.”

LIKE GOYO

Kaugnay nito, inihalintulad ni Paulo ang kanyang buhay sa bayaning tampok sa pelikula, si Heneral Gregorio del Pilar.

Sabi ni Paulo, “Mailalapit ko rin sa Goyo yung buhay ko dahil sa priorities.

“Parang, 'What should you prioritize in your life?'

“Parang, coming from Goyo, you get to realize... I'm sure a lot of you will realize na maiksi ang buhay.

“Why do we keep doing things... parang we can't be distracted from what we really need to do or what we have to do, parang the bigger responsibilities in life.”

Sa hiwalay na panayam kay Paulo matapos ang presscon proper ng Goyo, nilinaw nitong hindi ibig sabihin ng naging pahayag niya na aalis siya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, bukod sa pelikula, magiging abala pa si Paulo sa nalalapit niyang teleserye sa ABS-CBN kasama si Angel Locsin, ang The General's Daughter.

Itinuturing ni Paulo ang offer sa kanya ngayon bilang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo niya sa showbiz.

Gayunman, tumanggi muna siyang magbigay ng pahayag kung ano pa ang iba niyang plano bukod sa showbiz.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN