DJ Papa Jackson explains why he left former radio station

by Rey Pumaloy
Aug 24, 2018
The love guru radio jock formerly known as Papa Jack is now Papa Jackson.

Isang taon at limang buwan nang wala sa dati niyang istasyon na DZMB ang controversial love DJ na si Papa Jack o si John Gemperle sa tunay na buhay.

Mula nang lumipat ang love guru disc jockey na si Papa Jack sa Energy FM, binago na rin niya ang kanyang alias at ginawa itong Papa Jackson.

Hindi itinanggi ni Papa Jackson sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may mga hindi magandang nangyari sa kanya sa dating home radio station kaya siya umalis dito.

“Marami, marami... depressing,” bungad niya.

“Basta, internal company issues, e. Definitely, walang kinalaman sa pera.”

Tahasang sinabi ni Papa na siya mismo ang kumalas sa dati niyang network.

Paliwanag niya, may kinalaman sa career fulfillment ang ginawa niyang pag-alis sa DZMB.

“Hindi naman ako pinagkaisahan [kaya ako umalis]... siguro naghahanap ng corporate ladder, yung maakyat mo yung corporate ladder.

"Ayokong maging DJ forever."

Patuloy niya, “Nag-resign ako. Lakas-loob lang.

"Kasi 12 years na ako sa radyo, hindi ako napu-promote. Kasi you cannot be a DJ naman forever.

“Plus there are other issues I cannot talk about, kasi part siya ng pinirmahan ko na I cannot disclose information.”

CORPORATE ROLE

Nakapanayam ng PEP.ph si Papa Jackson sa Inter Church Singing Competition kung saan siya at ang writer na ito ang host.

Ginanap ito sa St. Pius X, Onyx St. San Andres Bukid, Manila, noong August 18.

Kuwento niya, “Nagpahinga ako ng apat na buwan, nagpunta ako ng Abu Dhabi, Dubai, Hong Kong, Bahrain... naglibot ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, may mga offer sa akin, marami. Huling nag-offer sa akin ang Energy.”

Kinuwento rin ni Papa Jackson kung bakit ang Energy FM ang napili niyang maging bagong tahanan.

“Parang pinuntahan ko lang si Energy, respeto lang, and it turned out sobrang bait ng may-ari, si Ms. Rebecca Sy.

"May-ari ng Clara Olé. Parang nanay lang.”

Ang Clara Olé ay isang brand na gumagawa ng food products.

Ayon kay Papa Jackson, programming and production director ang ibinigay na posisyon sa kanya sa Energy FM.

Pagdidetalye niya sa kanyang trabaho, “Yung naririnig nila sa ere [Energy FM], ako lahat yun,” na ang ibig sabihin ay creative idea o project niya ang mga ito.

Bilang isang executive, direkta na raw siyang nagre-report sa mga top brass ng istasyon.

Sabi pa niya, "Meron akong corporate functions. I report directly to the corporate bosses."

Bukod sa kanyang corporate position, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang programa bilang love adviser na mapapakinggan mula Lunes hanggang Sabado, 9:00 ng gabi hanggang 2:00 ng madaling-araw.

NO TIME FOR LOVE

May dalawang salon franchises, isang drug store, at sariling juice product business si Papa Jackson, kaya wala na raw siyang panahon sa love life.

“Busy lang sa trabaho. Trabaho lang,” nangingiti niyang sabi.

“Wala na, e. Pag tiningnan mo ang araw ko, wala nang time. Kasi weekend, [yung time ko] sa daughter ko at gig.”

Bukod dito, isa ring acoustic singer ang DJ at pumupuwesto sa halos lahat ng Padi’s Point bar branches sa Metro Manila.

Napangiti si Papa Jackson nang itanong namin kung totoong hiniwalayan siya ng kanyang asawa dalawang taon na ang nakararaan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“No comment. Basta masaya siya,” nangingiting sambit niya.

Hindi ba siya nalulungkot dahil wala siyang kalambingan?

Sagot niya, “I’m a full-time single, ako lang. Hindi ako naghahanap.”

Napaso na ba siya sa pakikipagrelasyon?

“Hindi naman, happy lang sa negosyong ginagawa. Saka nandiyan naman ang daughter ko at limang aso.

"Inspired naman ako sa buhay," nakangiti pa rin niyang sabi.

May mga peg ba siya sa isang relasyon?

“Wala, wala.”

Ano yung natutunan niya sa nakaraang relasyon?

Napangiti si Papa Jackson at halatang iwas ito sa usapin ng kanyang love life, “Wala lang, just enjoy the moment.”

Read Next
Read More Stories About
Energy FM
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The love guru radio jock formerly known as Papa Jack is now Papa Jackson.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results