DJ Papa Jackson on his success as a love guru: "Magaling akong makinig"

by Rey Pumaloy
Aug 25, 2018
DJ Papa Jackson, who became famous as Papa Jack, explains why he succeeded in giving love advice on air. "You just have to be a friend to them. Tignan mo kung saan sila nanggagaling. Anong pinagdadaanan, ano yung lungkot nila."

Mariing itinanggi ng radio disc jockey-love-adviser na si Papa Jackson na palagi siyang galit sa callers ng radio show niya sa Energy FM.

Ito ay dahil madalas niyang sagutin nang pasigaw ang mga tanong ng kanyang callers o listeners ukol sa mga dinudulog na problema sa pag-ibig o relasyon.

"Hindi totoo yan, hindi ako galit," tanggi niya.

"Mainit lang ang ulo ko 'pag mali ang ginagawa. Actually, nakakalungkot lang kasi ang mas naalala ng mga tao yung mainit ang ulo ko. Pero mas madalas akong nakikipagtawanan. Ang naalala lang, yung mainit ang ulo mo.”

Exclusive na na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Papa Jackson sa Inter Church Singing Competition kung saan siya at ang writer na ito ang host. Ginanap ito sa St. Pius X, Onyx St., San Andres Bukid, Manila, noong August 18.

Kaya ba niya nasisigawan ang callers ay dahil saliwa sa kanyang paniniwala ang mga dahilan at pamamaraan ng mga ito?

Nangingiting sagot niya, “Hindi naman. Trababo lang. Pag-alis ko ng istasyon, okey na ako, normal na ulit tayo.”

Inamin ni Papa Jackson na may mga nagagalit din sa kanya at sa format ng kanyang programa.

Pagpapatunay pa niya, “Marami. Pero siyempre, sa ganitong larangan you cannot please everyone.

“Hindi naman lahat ng opinyon pabor sa 'yo, e. May mga opinyon na mumurahin ka. Sanay na ako.

“Siguro sa industry natin, kasama na yun, e.”

Inamin ni Papa Jackson na may mga nagbabanta rin sa kanyang buhay.

“May mga death threats pero feeling ko, masabi-sabi na lang. Magalit lang, pero I don’t think it’s serious. Hindi ako naniniwalang gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pini-PM nila ako, itu-tweet ka nila, sa Instagram.”

Hindi ba siya natatakot para sa buhay siya?

“Hindi naman. Sa radyo lang naman ako gano'n, e. Sa totoong-buhay wala naman.

“Siguro naniniwala ako na mas maraming taong natutuwa kaysa sa nagagalit. Kung meron mang nagagalit, iilan lang.”

"MAGALING AKONG MAKINIG."

Anong love problem ang mahirap para sa kanyang bigyan ng advice?

“Paano mag-move on. Kasi walang sagot, walang specific na sagot.”

Nahirapan na rin ba siyang makapag-move on sa hiwalayan nila ng misis niya?

Tumawa nang malakas si Papa Jackson at saka sumagot ng, “No comment.”

Saad niya, “Hindi naman lagi, pero ang favorite subject ko, sociology, social dynamics, saka psychology. Whether napagdaanan mo o hindi, meron kang opinyon lagi.

“So, it’s about [what's] acceptable, not acceptable. What’s morally right and morally wrong. Doon lang ako lagi.”

Kailangan bang maging licensed councilor para magkaroon ng authority na makapag-advise professionally o sa radyo?

Aniya, “Hindi naman. You just have to be a friend to them. Tignan mo kung saan sila nanggagaling. Anong pinagdadaanan, ano yung lungkot nila.

“Tignan mo lang yung mga taong hindi magaling magkuwento pero masakit ang pinagdaanan nila.

“So, you just have to have a heart to know if they’re in pain or not.

“Magaling akong makinig.”

ANIMAL ADVOCATE

Sa ngayon ay hindi lang DJ kundi programming and production director na rin siya ng Energy FM.

Ano na ang gusto pa niyang maabot ngayong nakuha na niya ang corporate position?

Saad niya, “Actually, gusto ko na lang mag-ipon at magpahinga. Balak ko ngang bumili ng isang ektaryang lupa, bakuran, at mag-rescue ng mga aso. Yun lang, gano'n ang vision ko sa buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Actually, animal advocate ako. I don’t like any animals being killed, [kahit] daga, ipis.

“Psychological siya. Feeling ko lang, lahat ng buhay sa mundo may saysay. Feeling ko, your ability to take care of animals is the highest form of caring.

“Kasi para maalagaan mo ang hayop, kailangan mo siyang pakiramdaman, e. Kasi hindi niya kayang sabihin kung ano ang masakit, kung nauuhaw ba sila, o nagugutom.

“Kailangan mo silang mahalin at i-memorize para malaman mo kung okey ba sila.”

Dagdag pa niya, “Retirement plan ko yan. I think lahat tayo mayroon tayong gustong mangyari 'pag nag-retire na. I think I will do that.”

Lima ang alagang aso ni Papa Jackson.

“Meron ako sa Maynila, meron akong tatlo sa Bulacan. 'Tapos meron akong adopted sa shelter na isa. So, pinapadalhan ko ng sustento yung mga shelter.”

Hindi raw gusto ni Papa Jackson na nakakakita ng mga aso o pusang nakahandusay sa kalye matapos masagasaan.

“It breaks my heart. Actually 'pag pauwi ako ng bahay sa madaling araw, hindi ako dumadaan sa may palengke. Kasi ayokong makakita ng baboy na nakasabit, nalulungkot ako.

“Ayaw kong dumadaan ng NLEX sa madaling araw kasi ayokong nakakakita ng manok na dini-deliver. Nalulungkot ako for them.”

Isang full-vegan si Papa Jackson.

“Nagtanggal ako sa diet ko [ng meat] five years ago. Nagtanggal ako ng seafood, 2017.

“Five years ago, nung nakapanood ako ng video ng asong pinapatay, biglang nawala,” na ang ibig niyang sabihin yung pagkain niya ng meat products.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Papa Jackson, who became famous as Papa Jack, explains why he succeeded in giving love advice on air. "You just have to be a friend to them. Tignan mo kung saan sila nanggagaling. Anong pinagdadaanan, ano yung lungkot nila."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results