Will Paulo Avelino do a John Lloyd Cruz?

IMAGE Noel Orsal

Paulo Avelino has been dropping hints about slowing down, and he has his reason: "Importante sa akin... yung work-life balance. Yun ang kulang ko, work, work ako, e."

.


Nilinaw ni Paulo Avelino ang pahayag na gusto na niyang magretiro sa showbiz, lalo’t may mga nag-iisip ngayong baka may plano na siyang magpakasal.
 
“Sana kung may magpapakasal sa akin!” natawang biro naman ng 30-year-old actor.
 
“Hindi ko pa masasabi yun, e. Kung mangyayari, mangyayari.  

“At saka, marami pang magpapakasal diyan bago ako.”
 
Pero ano nga ba itong sinasabi niyang pagpapahinga o break?
 
“Malay natin, three days lang pala or one week or one month or three months. Hindi natin masabi, e,” sagot niya.
 
Nakapanayam ng entertainment press si Paulo sa grand presson ng pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral na ginanap sa Novotel Hotel, sa Quezon City, noong August 23.

ADMIRING JOHN LLOYD CRUZ

Posible bang na-inspire siya sa ginawang hakbang ni John Lloyd Cruz na matagal-tagal na rin namamahinga sa showbiz?

Saad ni Paulo, “Nakakabilib yung ginawa ni John Lloyd to step back totally.  

“I’m sure, babalik din siya eventually and, I’m sure, patuloy rin naman ang suporta niya [sa film industry].
 
“I heard he was watching films from Cinemalaya and PPP [Pista ng Pelikulang Pilipino].
 
“It takes courage also to step back from doing something you love.”
 
Hindi naman niya nakikita ang sarili na aabot sa puntong mawawala talaga sa sirkulasyon?
 
“Tingnan natin, hindi natin alam.”
 
Natatawang biro pa ni Paulo, “Baka tumira na lang ako sa bundok!”


Stories We Are Tracking

Paulo Avelino mulls retiring from showbiz
Paulo Avelino mulls retiring from showbiz

AIMING FOR BALANCE

Halos sabay na ginawa ni Paulo ang pelikulang Ang Larawan, na entry sa Metro Manila Film Festival 2017, at ang Goyo na malapit nang ipalabas.

Bida rin siya sa umeereng teleserye ng ABS-CBN na Asintado, at sinisimulan na rin niya ang prime-time series nila ni Angel Locsin na The General’s Daughter.
 
Ito bang mga sunud-sunod niyang proyekto ang nag-trigger kay Paulo kaya pumasok sa isipan niya ang pagreretiro?
 
Paglilinaw ng Kapamilya actor, “Wala namang nag-trigger, mas gusto ko lang na mas relaxed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong napi-pressure sa schedule ko, ayoko na magsabay, maglagare.
 
“After siguro ng soap, slower pace lang. Ayoko lang ma-pressure sa work.

“Actually, importante sa akin, sa inyo, yung work-life balance.

“Yun ang kulang ko... work, work ako, e.”

AGUINALDO STORY

Ang Goyo ay kuwento ng bayaning si Gen. Gregorio del Pilar.

Hamon ba kay Paulo na Heneral Luna pa lamang ang ipinapalabas may tatlong taon na ang nakararaan ay napag-uusapan na ang pelikula niya?

Isa sa maituturing na pinakamatagumpay na indie movie ang Heneral Luna ng TBA Studios, Artikulo Uno, at Globe Studios.
 
Tugon ni Paulo, “Ang pinaka-pressure sa akin ngayon, gusto ko talagang kumita ang pelikula para hindi na sila mahirapan kumuha ng sponsor or maghanap ng magpu-produce sa next.
 
“Sabi nga ni Jerold [Tarog] kanina, ng director namin, ang importante, mabuo itong tatlong pelikula para mas maintindihan natin ang timeline. Kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Sabi nga, it’s an Aguinaldo film dahil siya lang ang buhay dun sa tatlo, at malaki ang impluwensiya niya sa pelikula."

Isa raw sa katangian ni Goyo ay ‘chick boy’ ito. Nakaka-relate ba si Paulo dun?
 
“Yun nga yung hindi ako maka-relate na part, e!” natawa niyang sabi.
 
“Kinailangan kong magbasa ng maraming libro.  

“Kinailangan kong sumama kay Jake Cuenca para makita kung ano ang ginagawa niya.”
 
Saka niya natatawang idinugtong na, “Joke, joke lang.”

Nabangit sa pelikulang Goyo ang katagang “Tandaan mo kung sino ka.”  

Kung siya ang tatanungin, sino si Paulo ngayon?
 
Tugon ng aktor, “At this point, still exploring, finding...

"Well, ganun naman tayo. Hindi naman tayo tumitigil para hanapin ang sarili natin.  

“Kung ano ang gusto nating gawin o maghanap or makasubok ng iba pang puwedeng gawin.”

Ipalalabas na ang Goyo nationwide simula sa September 5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN