Heart Evangelista hands off on husband Sen. Francis Escudero political plans

IMAGE Courtesy: @iamhearte on Instagram

Heart Evangelista on husband Senator Francis "Chiz" Escudero's job as public servant: "I'm happy where I am. I'm busy doing my own thing and whatever he's doing I'll support him."


Pabirong binanggit sa isang speech ni President Rodrigo Duterte na pagod na siya sa panunungkulan at nais na niyang bumaba sa puwesto at ang gusto raw niyang maging successor ay si former Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. o kaya ay si Senator Franchis “Chiz” Escudero.

Sa tingin kaya ni Heart Evangelista, handa na siyang magiging First lady?

Tawang-tawang tugon ni Heart, “Oh, my God, I won’t say anything.”

Dagdag pa niya, “I’m happy where I am. I’m busy doing my own thing and whatever he’s doing I’ll support him.”

Ayon pa sa Kapuso actress, 100 percent siyang nasa likod ng asawang mambabatas pero pagdating sa pagdedesisyon sa kanyang mga nais pang gawin as public servant, ayaw raw niyang makialam dito.

Sabi niya, “And it’s the same way for me. Pero ayoko talagang makialam.”

Masaya naman si Heart na dahil sa exposure niya sa fashion magazine na Harper’s Bazaar US, may mga natatanggap na siyang offers abroad.

At isa na nga rito ang bago niyang endorsement deal sa isang branded bag maker sa Paris.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN