Glaiza de Castro to fulfill another dream after Contessa

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro says it has always been her plan to continue her studies, "More on my personal goal. Talagang gusto kong mag-aral."


Sandaling magpapahinga muna sa showbiz si Glaiza de Castro pagkatapos ng afternoon teleserye niyang Contessa. 

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News kamakailan, nabanggit ni Glaiza na pagtutuunan niya muna ng pansin ang matagal na niyang planong magbalik sa pag-aaral. 

“Another bucket list, another adventure,” buong lugod na ibinahagi ni Glaiza tungkol sa sandaling bakasyon niya sa trabaho.

 Patuloy niya, “More on my personal goal. Talagang gusto kong mag-aral. 

“Kasi, I’ve been wanting to go to school and study music production. 

“Noong 2012, while we were doing Temptation of Wife, I was about to go to La Salle. 

“Okey na, nag-interview ako, ‘tapos nag-entrance exam ako sa kanila. 

“Papasok na lang ako, ‘tapos may biglang dumating na project.” 

Naging bahagi ng teleseryeng Biritera si Glaiza de Castro noong 2012. 

Noon pa man, lagi nang nababanggit ng Kapuso actress-singer ang nais niyang magbalik-eskwela. 

Sa kasamaang palad, aniya, “Parang I always have to choose, e.” 

Mabuti na lamang daw ngayon ay nabigyan na siya ng pagkakataon na tuparin ito. 

Hindi naman daw matagal na mawawala si Glaiza. 

Aniya, “Sabi ko nga, just give me few weeks. Hindi naman ako mawawala ng isang taon o tatlong taon. 

“Napag-usapan na namin daddy ko. Very excited din siya for me, na sabi niya, ‘Sige, iano mo na yan, okey yan, sayang naman ang opportunity.’


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN