Darren Espanto hopes to get another acting job after The Hows of Us

IMAGE @darrenespanto on Instagram

"Hopefully po, kung mabibigyan ulit ng opportunities after this," says Darren Espanto about his first job as actor in the movie The Hows of Us.


Nag-iwan ng masasayang karanasan ang pagsalang ng young singer-recording artist na si Darren Espanto sa acting.

Unang sabak niya sa pelikula bilang aktor ang lalabas na bagong film project nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang The Hows of Us na dinirek ni Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema, Inc.

Saad pa ng The Voice Kid 2014 runner-up, “First movie, I had a lot of fun, maraming memorable experience po talaga. 

“Of course, yung unang salang ko sa set and also learning the lines kung paano i-deliver.  Yung pag-mentor po nina Direk Cathy and all.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Darren matapos ang presscon proper ng The Hows of Us na ginanap sa 9501 Resto, ABS-CBN 2 compound, nung August 22, Miyerkules.

NO WORKSHOP

Ayon kay Darren walang workshop siyang pinagdaanan bago siya isinalang sa nasabing project.

Pagpapatunay pa niya, “Hindi po ako nakapag-workshop.  Diretso na po ako sa Amsterdam.  And then dito po ako nag-shoot after.”

Kuwento pa ng 17-year-old Fil-Canadian singer, “Nung first two days medyo nahirapan po ako,  pero after that po, parang nasabi ko na I could have given more the first few days kasi mas parang alam ko na nung third day kung ano ang gagawin ko.

“Kung ano yung gusto po ni Direk Cathy. Bago ako sumalang, kinausap naman po ako ni Direk Cathy na, ‘Dapat handa kang masaktan yung ego mo.’”

Feeling-lucky si Darren dahil hindi siya nakatikim ng bagsik ni Direk Cathy.

Nangingiti nyang sabi, “Hindi pa naman po ako nasigawan pero napagsasabihan lang po and I know where she’s coming from.

“Kasi siyempre, yung pelikula po, we were pressed for time dahil malapit na po ang premiere night.”

ACTING OR SINGING?

Bukas si Darren sa mga susunod pang acting projects na ibibigay sa kanya.

Excited nitong pahayag, “Hopefully po, kung mabibigyan ulit ng opportunities after this.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kaya kung dumating yung panahon mas maging in demand siya as an actor at hindi as a singer?

“Well, for me singing will always be my passion, yun po ang first love ko.

“Ngayon po yung experience ko na ‘to kasi may mga events din po ako na hindi related sa pelikula, it’s me singing. So I’d say if I were to do this again it would be better...siguro kind of juggle din kung gagawin ding project na ganito, dun na talaga ako magpu-focus.”

Isa sa mga nagpakulay ng first acting experience ni Darren ay ang tambalan nina Kathryn at Daniel.

WORKING WITH KATHNIEL, DIREK CATHY

Aniya, “They’ve always been the love team that I look up to, watching them on TV, bata pa lang ako, wala pa ako sa TV they’re very down-to-earth. 

“They helped, they gave me tips... kita po nila na sobrang tense ko, minsan hindi ko ma-gets yung lines, sasabihin nila, ‘Just be with your character.’ And saka yung ginagawa nila mismo, para mas madali.”

Ikinatuwa ng young Kapamilya artist ang compliments sa kanya ni Direk Cathy.

Natatawang komento ni Darren, “Yun nga p,o e. Ako nga po mismo I was expecting na masigawan ako, hindi nga ako nag-workshop, first time ko pong umarte, pero it’s really an honor to work with her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN