Kathryn Bernardo on Sharon Cuneta's controversial comment favoring JoshLia: "Di yun naging issue sa akin."

IMAGE @starcinema on Instagram

Kathryn Bernardo on Sharon Cuneta's controversial statement favoring JoshLia love team: "Masaya lang ako na naging part ako sa puso ni Ms. Sharon na mas makilala pa siya, in-allow niya ako. Di yun naging issue sa akin, di ko nga alam na may ganun."


Para kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, hindi na dapat gawing isyu at palakihin pa ang naging comment ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post noong August 12, kunsaan sinabi niyang alam niyang mamahalin niya si Kathryn pero irreplaceable sa puso niya ang tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto (JoshLia).

Sabi ni Sharon: “Hahahaha! I know I will love Kathryn too because my bosses have told me how kind and sweet she is. But my Josh and Julia are irreplaceable!?@juliabarretto?@garciajoshuae”


Ito ang nag-udyok sa ilang fans ng KathNiel na mag-react.

May ilang fans na hindi nagustuhan ang anila'y pagkukumpara ni Sharon kay Kathryn at sa JoshLia.

Nagkasagutan din ang ilang fans ni Kathryn at fans ni Sharon.

Read: Sharon Cuneta in center of word war between Kathryn Bernardo, JoshLia fans

Vocal si Sharon sa kanyang pagmamahal sa JoshLia, na nakasama niya sa pelikulang Unexpectedly Yours noong 2017, samantalang makakasama naman ng Megastar si Kathryn sa pelikulang Three Words To Forever kapareha si Richard Gomez.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) at Cinema News sina Kathryn at Daniel sa nakaraang press conference ng pelikulang The Hows Of Us na ginanap sa 9501 restaurant sa ELJ building ng ABS-CBN nung nakaraang Miyerkules, August 22.

Pagdedepensa ni Kathryn, “Di naman yun ang intensyon ni Ms. Sharon.

“Ako nga personally, nung nag-message siya sa Instagram, 'Oh my God! Legit ba ito?'

“Ako kasi, ang saya-saya ko na siya ang makakatrabaho ko.

“Siguro di naman niya intensyon na sabihin yun, and kung may nakatrabaho ka at naging espesyal sa iyo ang taong yun, I think mali naman na mapapalitan kaagad dahil di mo lang kasama sa isang project.

“Masaya lang ako na naging part ako sa puso ni Ms. Sharon na mas makilala pa siya, in-allow niya ako.

“Di yun naging issue sa akin, di ko nga alam na may ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag naman sa amin ni Daniel, “Siyempre kailangang bigyan niya ng courtesy yun.

“Ang ganda nga, binibigyan niya ng puwesto si Kathryn pero mahal niya pa rin ang JoshLia.”

MATURE ROLES

Mature at relatable ang istorya ng The Hows Of Us kung saan gaganap ang KathNiel sa roles na ayon nga sa kanila ay malapit sa kanila sa totoong buhay, lalo't inamin na nila ang.kanilang relasyon.

Para naman kay Daniel, mas pinupunto niya na ang lahat ay nakadepende sa kung paano pa rin nila gagampanan ang roles na ipagkakatiwala sa kanila.

“Tigilan na nga natin ang mga matured roles na yan, baka 25 pa lang ako puti na ang buhok ko,” biro sa amin ng aktor.

“It's either ano ba ang next mong gagawin, kung ano ang next mong character.

“It's really kung paano makikita ang character, kung nakita mo ba yung character.

“Kasi ang gagawin namin is always really different from yung mga nagawa na namin.”

DEFINING SEXY IMAGE

Binigyang linaw din nila Kathryn at Daniel ang tanong sa kanila kung magsisimula na rin bang magpa-sexy si Kathryn di lang sa roles kundi pati na rin sa kanyang pananamit.

Lahad ni Daniel, “Linawin natin di siya nagpapa-sexy, di siya nagiging bastusing tingnan.

“Kung naglalabas man siya ng skin, lagi siyang elegante.

“Di siya pa-sexy, para lang maging malinaw.

“It's wrong. Di siya nasye-shed ng pagiging wholesome niya. kasi wholesome siya at the same time elegante, she's a woman.

“Kailangan nating respetuhin yun, di kailangang tagung-tago.

“Ako nga napapayag na, kasi ganun kailangan mong intindihin.

“Kahit naman kaming mga lalake may ganun, kung yun ang gusto niya at kumportable siya dun na na ganun ang damit niya.

“Si Kathryn mismo alam niya ang limit niya, alam niya pag sobra siya.”

KATHNIEL STILL SOLID

Hiningan naman ng reaksyon si Kathryn kung okay lang ba na i-push na sila ni Daniel as solo actor and actress respectively, kung saan kasama nga si Kathryn sa movie nila Sharon at Richard Gomez minus Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kathryn, “I think walang masama kung i-push na solo actor si DJ, or kami kasi okay yun eh na mabigyan ng ganung chance.

“Pero di naman ibig sabihin na solo actor, mawawala na itong loveteam, nandiyan lang yan forever.”

DANIEL'S CONCERT

Kung magiging abala si Kathryn sa Three Words to Forever, may aabangan namang concert ni Daniel ang kanilang mga tagahanga.

“Ako concert na muna.

“Saka na ako mae-excite kapag may linya na ako ng mga kakantahin ko.

“Sa ngayon wala pa akong idea kung paano lalabas yung concert,” pag-amin ni Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN