Alma Concepcion waxes emotional as son Cobie flies to U.S. for college

IMAGE Alma Concepcion Facebook page

Former beauty queen and actress Alma Concepcion on son Cobie Puno flying to the United States for his college studies: "I will definitely miss my son. Di ko pa alam kung paano ako gigising bukas at sa mga susunod na araw na wala siya sa tabi ko."


Nagbuhos ng emosyon ang aktres at former beauty queen na si Alma Concepcion sa kanyang Facebook account dahil sa pag-alis ng kanyang nag-iisang anak na si Cobie Puno para mag-aral ng kolehiyo sa ibang bansa.

Noong nakaraang August 25 ay hinatid ni Alma si Cobie sa airport, kasama ang kanyang pamilya.

Naging madamdamin ang paghatid ng aktres sa kanyang anak dahil ito raw ang unang pagkakataong mahihiwalay ito sa kanya nang matagal.

Inamin ni Alma na bago dumating ang araw ng paglipad ng kanyang anak patungong Amerika, ilang araw din siyang umiiyak.

Nangako siyang hindi na siya iiyak sa araw ng pag-alis ni Cobie.

Heto ang naging post ni Alma:

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alma via Facebook Messenger pagkauwi nito mula sa paghatid sa airport.

Nalaman namin na sa Hult University sa San Francisco, California nakapasok ang kanyang anak at Business Administration ang magiging kurso nito.

Napag-usapan na raw nilang mag-ina na si Cobie ang uuwi sa Pilipinas tuwing Christmas at sa ibang school breaks nito.

KEEPING HERSELF BUSY

Samantala, magiging busy naman si Alma sa kanyang career sa showbiz, ang kanyang negosyo at sa iba pang mga gusto niyang gawin.

Alam ng lahat na single parent si Alma at kahit na nagtatrabaho ito, nagiging priority niya parati ang kanyang anak.

Lahad niya, "Nasa listahan ko na gawin yung mga bagay na di ko masyado nagagawa tulad ng fitness, basahin ang mga libro na nakapila, mag-focus sa interior design, Beautederm Depot ko, acting and anti-drug advocacies ko.

"Though nagagawa ko naman yan kahit na nandito si Cobie, ngayon mas marami na akong time."

KEEPING IN TOUCH

Hindi nga raw malayong maramdaman ni Alma ang tinatawag na "empty nest syndrome" na isang "feeling of grief and loneliness parents may feel when their children leave home for the first time, such as to live on their own or to attend a college or university."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa 43-year old actress, "Buti naman at nandiyan ang mga long-time friends ko na nakaalalay sa akin.

"Tinibayan ko talaga loob ko kasi sabi niya na naiiyak siya kapag may nakikita siyang umiiyak.

"Kaya ayun nag-internalize ako ng ilang oras para hindi ako umiyak.

"Isang tulo lang ng luha na patago kasi ayoko umiyak siya.

"Yes, I will feel lonely, pero nandiyan naman ang maraming ways to communicate with my son. There's Facebook and Instagram. We can video chat anytime.

"I will definitely miss my son. Di ko pa alam kung paano ako gigising bukas at sa mga susunod na araw na wala siya sa tabi ko.

"Pero sa ginawa kong pagpapalaki sa anak ko, now ko lang na-confirm na tama pala ang pag papalaki ko sa kanya."

Pinost din ni Alma sa FB ang ilang throwback photos ni Cobie noong bata pa ito sa araw ng pag-alis nito.

Nagsulat din si Alma ng mahabang mensahe para kay Cobie:

Ang ama ni Cobie ay ang businessman at former boyfriend ng aktres na si Dody Puno.

Noong 2015, naglabas ng kanyang sama ng loob ni Alma via social media kay Dody dahil sa pagtigil nito sa pagbigay ng financial support sa kanilang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN