Joshua Garcia, Julia Barretto relate special connection with Sharon Cuneta

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto and Joshua Garcia star in the new ABS-CBN prime-time series Ngayon at Kailanman.


Ibinahagi ng magkasintahang sina Joshua Garcia at Julia Barretto kung paano sila napalapit sa Megastar na si Sharon Cuneta.

Ito ay sa gitna ng isyu tungkol sa pahayag ni Sharon Cuneta na siguradong mamahalin din niya si Kathryn Bernardo, na makakasama niya sa pelikula, bagamat mananatiling “irreplaceable” sa kanya ang JoshLia, ang uniname ng tambalan nina Joshua at Julia.    

Nakasama ng JoshLia ang Megastar sa pelikulang Unexpectedly Yours noong 2017.  

Ayon kay Julia, “Actually with Mama Sharon, when we worked with her, we really grew to love her to an infinite extent.

“Parang yung love namin for her is never-ending and undying.

“So, parang hindi ko ma-explain yun, ako, personally, yung connection kay Mama Sharon. It's nanay talaga.

“And yung support niya, yung pag-aalaga niya, it's very touching.

“It's something both Joshua and I are very grateful.

“And palagi rin namin sinasabi yun kay Mama Sharon, na she's very, very irreplaceable.”

Sabi naman ni Joshua, “Grabe yung pasasalamat namin kasi siyempre Sharon Cuneta yun.

“Hindi mo ma-imagine, like ako, simpleng probinsiyano na pinapanood ko lang, ngayon Mama ko na… Mama na ang tawag ko.

“Blessing sa akin yun, wala naman akong kinalakihang nanay.”

Nakapanyam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sina Joshua at Julia sa special screening ng Ngayon At Kailanman, na ginanap sa Dolphy Theater noong August 20.


Stories We Are Tracking

Sharon in center of word war between Kathryn, JoshLia fans
Sharon in center of word war between Kathryn, JoshLia fans
JoshLia stay away from issue involving Sharon, Kathryn fans
JoshLia stay away from issue involving Sharon, Kathryn fans

NGAYON AT KAILANMAN

Ang Ngayon At Kailanman ang unang prime-time series nina Joshua at Julia kung saan sila talaga ang bida.

Ipinagpapasalamat din ng magkapareha na suportado sila ng ilan sa pinakamahuhusay na artista sa bansa, tulad nina Alice Dixson, Iza Calzado, Rio Locsin, Ina Raymundo, at ang nagbabalik na si Rosemarie Gil.

Saad ni Julia, “Matagal ko na siyang prayers.

“We're so thankful now working alongside with really, really amazing actors.

“Wala, e, when you work with amazing actors, it's an opportunity to grow as an actor yourself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko, ang dami talaga naming matututuhan sa show na ito.”

Pagbabahagi naman ni Joshua, “Happy ako dahil blessed kami ni Julia para dito, ipinagkatiwala yung istorya na yun, ibinigay sa amin ng Star Creatives.

“Excited ako sa mga mangyayari pa, sa mga eksenang mabibigat na mangyayari, sa mga confrontation, and excited ako sa mga kilig scenes namin ni Julia.

“Tulad ng sabi ni Julia, we're very blessed na nakakatrabaho namin yung ganung klase ng mga artista. Excited ako na makaeksena sila.”

ZOMBIE MOVIE

Bukod sa pinagbibidahang teleserye, isang zombie movie na may titulong Block Z ang sisimulang gawin nina Joshua at Julia na kakaiba sa feel-good movies na nagawa na nila.

Sabi ni Julia, “It's a thriller-suspense.

“Sobrang excited din kami for this kasi we’ve never done thriller-suspense yet.

“So it's gonna be our first and it's also gonna be the first zombie movie in the Philippines.

“So, sobrang grateful kami ni Joshua sa opportunity.

“Grateful din kami kay Direk Mik [Mikhail Red] kasi he really welcomed us and we're really excited to work with him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN