Korina Sanchez's #MisisNiMar hashtag intrigues netizens

IMAGE Courtesy: @korina on Instagram

Is Korina Sanchez provoking someone with her #MisisNiMar hashtag?


May ilang netizens ang naintriga at natawa sa hashtag na ginamit ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram post kagabi, August 27.

Ang hashtag na ginamit ng veteran broadcaster ay #MisisNiMar.

Mensahe ni Korina, “Meantime, habang work si wife sa Manila, si husband ay staycation sa Baguio kasama ang iba naming anak ko, Etta, Chelsea and Cocoa."

"Ang caption niya: ‘They Love Me.’

"Sige na nga. Namiss ko na sila. Uwi na sila bukas. #MisisNiMar.”

MISIS NI MAR ROXAS

Wala namang pakahulugan ang post ng Kapamilya news and current affairs personality.

Ngunit naging malaking kontrobersiya ito noong April 22, 2018, kung saan sa isang rant ni Kris Aquino sa Instagram ay tinawag nito si Korina na "Misis ni Mar Roxas."

Nag-ugat ang post ni Kris sa pag-feature ng programa ni Korina sa ABS-CBN, ang Rated K, sa ex-husband na si James Yap kasama ang asawa nitong Michela Cazzola at ang anak nilang si Michael James.

Nakalagay sa post ni Kris noon, “I have really had ENOUGH. Simple lang—minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko—never para sa sarili nya pero para sa kandidatong inendorso nya.

"Dahil mahal ko sya ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na yon tinanggap ko...

"Tatlong beses akong nagpunta sa Davao—sa kampanya nung 2010, kampanya 2013 para kay Sen. Chiz & Sen. Grace at nung nag Kris TV.

"Si PRRD lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa kin.

"Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas.

"Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit.

"At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay...

"I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar—pero klarong klaro sa kin kung bakit ang nanalong Pangulo ay si DUTERTE.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NETIZENS' COMMENTS

Narito ang ilang komento ng netizens tungkol sa post ni Korina:




Samantala, may isang netizen naman ang nagsasabing tila may pinu-provoke daw si Korina.



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN