Pokwang not closing doors on having more children with Lee O'Brian

IMAGE Instagram

Pokwang on having more kids with Lee O'Brian: "Siguro kasi sa edad ko, hirap na rin. Pero siguro nga, huwag mong kinukuwestiyon si God. Parang, 'Hoy, eto, ayan'. Hindi pala sa edad yun, nasa dasal."


Ayaw tuldukan ni Pokwang ang posibilidad na muling mabuntis at masundan ang kanyang bunsong si Malia.

Sa halip na isara ang pinto sa muling pagkakaroon ng anak, ipinagpapasa-Diyos niya raw ito.

Pahayag ng 45-year-old comedienne, “Alam mo, huwag daw magsasabi ng no. Kung talagang bibigyan ka, bibigyan ka.

“Hindi ko sinasabing hindi na, kasi huwag nating kuwestyunin ang Kanyang kapangyarihan, 'no?

“Pag sinabi kong hindi na ako puwede kasi sa edad ko, e, kung narinig Niya, 'Ah, ganun ba? O, eto.' Pak!

“Kasi hindi pa kami nagsisiping, ang tagal na.

"Mga one year and half na rin kami… ay, teka, one year and two months na kaming hindi nagsisiping.

“E, kasi buntis ako. Ngayong nakalabas ang baby, wala pa rin, hindi pa rin kami nagsisiping. Wala lang.”

Katabi ni Pokwang ang kanyang American partner na si Lee O'Brian sa exclusive interview na ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa appreciation party ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018, na ginanap sa White Space Tent, Makati City, noong August 19.

Si Lee ay kasama sa mga entry na Ang Babaeng Allergic Sa WiFi at Signal Rock. Sumama sa party si Pokwang para suportahan ang partner.

Nang marinig ang usapin tungkol sa sex o love making, napatingin si Lee at nag-comment.

Paliwanag ng American actor, “We have romantic moments but also she’s still just recovering.

"It is not like something that we can just throw in the planning...

"We can actually, like, seriously think about doing it and we have to commit doing it.

“And she just got back to work and we’re really happy with Malia right now, and she’s the most beautiful thing in the world right now.”

Dagdag pa ni Lee, “Siguro, I’m not a psychic, I would like another one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I’m not forcing to have another one, because it takes two...

"I also got to think about it how she’s doing and if she’s willing to have it.

"She's had already three beautiful children so far."

RAISING A BABY IN A HI-TECH WORLD

Wala raw sa hinagap ni Pokwang na magkakaroon pa siya ng anak.

Sabi niya, “Siguro kasi sa edad ko, hirap na rin.

"Pero siguro nga, huwag mong kinukuwestiyon si God. Parang, ‘Hoy, eto, ayan’. Hindi pala sa edad yun, nasa dasal.”

Sa pagdating ni Malia, malaki raw ang kaibahan ng pag-aalaga ng baby ngayon kaysa noong ipinanganak at inalagaan niya ang kanyang namayapang panganay at si Mae, na dalaga na ngayon. 

Paliwanag pa ng Kapamilya star, “Iba na ang panahon ngayon. Ang bilis mong makakuha ng impormasyon ngayon.

"Ano na yung dapat mong gagawin... kasi nasa panahon na tayo ng Google.

“Nung panahon ng mga una kong anak na sina Mae at Shin, pagka nagkakaproblema ako, hindi mo alam ang gagawin, e. Iaasa mo rin sa nanay mo, e.

"E, ngayon, Google ka lang, pak! Eto pala, pag may nararamdaman ang bata.

"So ngayon, mas double at triple na ano ako ngayon. Mas madali mong alamin ang mga bagay-bagay na dapat mong anuhin sa baby."

Patuloy ni Pokwang, “Ngayon lang, pataas nang pataas ang bilihin para sa baby, pamahal nang pamahal, at mahaba pa ang bubunuin ko, kami ni Papang [Lee]. 

"Pero hindi namin napapansin ang pagod at presyo kasi mahal na mahal namin yung bata."

Hindi maihalintulad ni Pokwang ang kaligayahang nararamdaman sa pagdating sa buhay niya ng kasintahan at live-in partner na si Lee, at ang pagdating naman sa piling nila ng anak nilang si Malia.

Sabi pa ni Pokwang, “Yung happiness na dumating si Papang, ibang level naman ito.

"Eto namang kay Malia, sobra na ito, thankful ka na lang araw-araw kay God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung tipong, 'Lord, tinapay lang po hiningi ko sa Iyo, pero binigyan Niyo pa ng palaman, with matching kapeng mainit.' Yung sobrang-sobra talaga.

“Iba yung naibibigay ng bata sa amin araw-araw.

"Kasi happy baby siya. Hindi siya iyakin, ever since, na iiyak lang siya nang gutom. Pag pinadede na, tatawa na."

Sa paniniwala ni Pokwang, malaking bagay na hindi siya nagpadala sa stress noong ipinagbubuntis niya si Malia kaya ito naging happy baby.

Ayon pa sa komedyana, “Siguro kasi yung stress, inano ko, e. Lagi akong nanonood ng 'Miss Q&A,' tawa ako nang tawa."

Ang "Miss Q&A" ay isang gay beauty pageant sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime. 

Dagdag pa ni Pokwang, “Saka, puro good times lang palagi. Yung parang, sige, kahit wala na tayo, basta siya masaya siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN