Mystica appeals to Coco Martin for showbiz comeback

IMAGE Courtesy: @showbizjeff on Instagram / Noel Orsal

Mystica on Coco Martin: "Yun na lamang po ang paraan ko na humingi ng tulong kay Coco Martin na sana po isali naman [niya po ako]. Ito na lang po ang natitirang pag-asa ko, yung talent ko."


Nanawagan ang kontrobersiyal na singer at tinaguriang Split Queen na si Mystica (Ruby Villanueva sa totoong buhay) sa Kapamilya actor na si Coco Martin na isama siya nito sa matagumpay na prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Sa panayam ni Jeff Fernando ng ABS-CBN News kay Mystica na lumabas sa TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, August 29, inamin ni Mystica na nawala na lahat ng naipundar niya at ang kanyang naipon.

Sa kasalukuyan, sa pagtitinda na lamang ng fried chicken umaasa si Mystica at ang kanyang pamilya.

Ipinagbibili na rin ng singer ang mga luma niyang damit para makadagdag sa kanyang kinikita.

Ayon pa sa ulat, tinalikuran na raw si Mystica ng mga kaibigan sa showbiz simula nung tumamlay ang kanyang career.

Kaya nakiusap siya kay Coco na makasama sa Ang Probinsyano dahil may talent din naman daw siya sa pag-arte.

Aniya, “Yun na lamang po ang paraan ko na humingi ng tulong kay Coco Martin na sana po isali naman [niya po ako].

"Ito na lang po ang natitirang pag-asa ko, yung talent ko."

Ang teleserye ni Coco ang nagsilbing platform ngayon ng mga artistang walang show dahil binibigyan sila ng pagkakataon ng aktor na makabalik sa limelight.

Ilan sa mga nabigyan lately ng chance para makabalik sa telebisyon, sa pamamagitan ng Ang Probinsyano, ay sina Mark Anthony Fernandez, CJ Ramos, at Whitney Tyson.

Nitong nakaraang April 2016, usap-usapan sa social media si Mystica dahil sa kanyang pagmumura sa noo’y presidential candidate na si Rodrigo Duterte.

Na-bash nang husto ang singer ng supporters ng dating Davao City mayor.

Pagkatapos ng eleksiyon, nawala na nang tuluyan sa limelight si Mystica. 


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN