Will Alden Richards give up Eat Bulaga! to ease his workload?

IMAGE Noel Orsal

"Medyo mahirap po magkaroon ng personal time lately. All work po ngayon," says Alden Richards, who will soon be busy with his second solo concert Adrenalin Rush.


"All work, no play" ngayon ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Bukod sa prime-time series na Victor Magtanggol at daily noontime show na Eat Bulaga, madadagdagan pa ang pagkakaabalahan ni Alden ngayong September dahil sa kanyang second solo concert, ang Adrenalin Rush.

Sa panayam kay Alden sa press conference ng kanyang concert kahapon, August 30, natanong siya kung may pagkakataon pang makipag-bonding siya sa ka-love team na si Maine Mendoza.

Sagot ng Kapuso star, "Wala na po, e. Parang lately, kahit ako mismo, hindi na rin nakakapag-Eat Bulaga."

Halos wala raw siyang oras para sa sarili dahil sa sunud-sunod na trabaho.

"Yung personal time ko rin talaga is very limited. Actually, limited to none.

"So, medyo mahirap po magkaroon ng personal time lately.

"All work po ngayon," sabi ni Alden.

WILL ALDEN LEAVE EAT BULAGA?

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung naiisip ba ni Alden na bitawan muna pansamantala, halimbawa, ang Eat Bulaga! para magkaroon ng mas mahabang oras para sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iniisip ko po, actually," pag-amin ng 26-year-old actor.

"Pero babalik ako dun sa parang hindi ko malalagpasan yung challenges kung di ko sila mapagsasabay lahat.

"I'm really up for the challenge na ma-balance ko po lahat ng mga commitments ko.

"Kapag naiisip ko po yun [mag-give up], babalik lang po ako dun to motivate me better."

Pagdating sa isyu ng pagka-burnout, tiwala naman sa sarili si Alden na maiiwasan niya ito.

Aniya, "Minsan nagkakaroon ng kaunting hints. Kasi, talagang physical exhaustion is always there, ang hirap i-cope.

"But lately, natututunan ko to take pleasures on simple things.

"Makatulog lang ako ng eight hours, masaya na ako the next day, mga ganung bagay.

"It's a humbling experience din to do these works ngayon.

"Pero siyempre, kailangan ko pa rin po ng pahinga."

Kung magkakaroon ng pagkakataong makapagpahinga nang matagal, gusto raw ulit mag-travel ni Alden sa Japan.

Sa mga susunod na araw, mas lalo pang magiging busy si Alden dahil mag-uumpisa na ang paghahanda niya para sa Adrenalin Rush concert, na gaganapin sa Kia Theater sa September 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN