Arron Villaflor admits he can't balance love life and career

IMAGE Noel Orsal

Arron Villena finds travelling a good way to move on from a failed relationship: "At peace ka lagi. And it works, it really works!"


May kaugnayan daw sa dalawang pagkasawi sa pag-ibig ang napapadalas na biyahe sa iba’t ibang lugar ng Kapamilya actor na si Arron Villaflor.

Ibinabaling na lang daw ni Arron sa paglalagalag sa island resorts sa Pilipinas, gaya sa Palawan, ang naging karanasan niya sa pag-ibig na hindi umayon sa kanyang inaasahan.

Inamin din ng aktor na hindi niya kayang pagsabayin ang trabaho at personal life.

Pahayag ni Arron, “Most of the time now, I just wanna breathe… somehow parang things confused me before about my personal and work.

“Pero ngayon, I’ve decided na, okay, I can do both things na I’m enjoying with my work and enjoying with my personal life.

“I decided, I work na lang muna and saka na yung personal life.”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arron sa grand presscon ng Goyo: Ang Batang Heneral sa Novotel Hotel noong August 23.

HEARTACHES

Natawa ang 28-year-old actor nang banggitin namin ang pangalan ni Dawn Chang, na minsan niyang nakasama sa isang segment ng ABS CBN morning show na Umagang Kay Ganda.

“Wala!” humahalakhak na tanggi ni Arron. “Never naging kami ni Dawn Chang… almost kasi, e.” 

Naging bukas sa lahat ang closeness nila sa muntik-muntikan na talaga silang magkatuluyan.

Paliwanag ni Arron, “Kasi kantiyawan yun, e, kantiyawan. 

"Maraming may alam… tagal na nun, ha, a year na din, mga ganun. 

“Parang we both decided na, 'Hindi, kailangan na lang tayo, baby love...'

“Kasi tawagan namin, baby love. 'Let’s just work and stuff.'

“Siya na yung nagsabi na, ‘Baby love, easy lang tayo.’ Kasi almost na talaga. 

“Sabi ko, ‘Okay, let’s just work.’ 

"Then na-build na yung friendship namin, nagsasabihan na kami ng personal life namin, ganun-ganun.

“So ngayon, sobrang concrete yung friendship namin, and somehow in-advice niya ako about my personal life na, ‘Just take it easy, baby love.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, very supportive ako sa kanya, to think she has a boyfriend now.”

Patuloy niya, “We’re still communicating, we’re concrete friends talaga.

"I’m really grateful and thankful that I’ve met Dawn.

“Right now, I’m just enjoying myself and my work, I’m still working with Umagang Kay Ganda.”

Bukod kay Dawn, may isa pang nagbigay ligalig sa buhay ni Arron kung kaya tila nawalan ito ng focus sa kanyang karera.

Ito ay ang hiwalayan nila ng GirlTrends member na si Jane de Leon.

“Somehow, may kailangan lang kaming i-priority sa mga bagay-bagay... ganun talaga e.

“Sabi nila, walang forever.

"I don’t really believe kasi meron talagang forever, as long as they’re gonna work on each side."


Stories We Are Tracking

Arron Villaflor admits breakup with former GirlTrends member
Arron Villaflor admits breakup with former GirlTrends member
Arron Villaflor clarifies relationship with Dawn Chang
Arron Villaflor clarifies relationship with Dawn Chang
Arron Villaflor: No label on friendship with Dawn Chang
Arron Villaflor: No label on friendship with Dawn Chang

WORK, TRAVEL, WORK, TRAVEL

Desidido nga ba si Arron na umiwas muna sa pag-ibig?

Tugon niya, “Hindi naman, I just made the choice na ano, chill lang muna ako.

"Parang I’m rushing myself. So, nag-lie low muna ako konti, umalis ako.

"Parang I had an opportunity to enjoy my time on my own… I mean, make plans in the long run.

“So ngayon, happy ako sa mga trabaho ko. 

"I have Goyo: Ang Batang Heneral, I have Cinema One, I have 72 Hours with Jolo Revilla.

“Right now, maganda ang flow ng career ko.

"Kahit anong production naman, I’m okay with it. For sure I will do my best.”

Papagpahingahin niya muna ang kanyang puso?

“Oo, napagod din… Siguro yung outlet ko is going out, especially sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan.

“I’m a nature man so mahilig ako sa dagat, at peace ka lagi.

“Gigising ka, wala kang iisipin. Gising ka, coffee ka lang, mag-iisip pa.”

Naka-post sa Instagram ang biyahe ni Arron sa Palawan nang mag-isa.

All i want to do is sit down and not worry about a single damn thing

A post shared by Arron Villaflor (@arronvillaflor05) on

Masaya niyang pagbabalita, “Last time ginawa ko iyan and it works, it really works!”
   
Natanong na ba ni Arron sa sarili kung bakit bigo siya sa pag-ibig?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seryoso niyang sagot, “Siguro, in God’s time, God will provide everything in His time. 

“Ganun talaga, e, minsan kapag pinipilit natin ang isang bagay, mas lalong nawawala sa atin.

“So natutunan ko ngayon na ibigay mo lang lahat sa Kanya, say things to Him.

"Like, thank Him about all the things you do.

“Love your family, kasi yung love nanggaling talaga sa foundation ng family.

“Catholic ako, naniniwala ako na pag maganda yung relationship mo with your family, everything will follow.

“So, mas marami akong oras ngayon para mag-isip, para mag-invest sa pagiging actor.

“Mas maraming oras na rin na makapag-share sa mga tao kung anuman yung mga…

“Especially now, parang depression ngayon, 14 [years old], yung mga young ones hindi nila ma-handle.

“Kung nalulungkot sila, they can travel with me or they can go to places.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN