Rhian Ramos apologizes to netizen who accused her of being a snob

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actress Rhian Ramos apologizes to a netizen who took to Twitter and accused the actress of being a snob and having an attitude problem, following an incident at a premiere night.


Sinagot ni Rhian Ramos ang isang netizen na tinawag siyang "snob" at "may attitude problem."

Ito ay matapos hindi magustuhan ng netizen ang inasal diumano ng aktres sa premiere night ng Goyo: Ang Batang Heneral noong Huwebes, August 30.

Hindi nagustuhan ng netizen ang sinabi ni Rhian nang magtangka siyang magpa-picture dito.

Tinanong daw kasi ng Kapuso actress ang netizen kung bakit siya itinutulak nito. 

Nagpahabol daw si Rhian at nang-isnab pa.

Deleted na ang tweets ng netizen ngunit may mga nakapag-screenshot nito.


RHIAN DEFENDS HERSELF

Sa pamamagitan ng Twitter, nag-sorry si Rhian sa netizen.

Ngunit paliwanag ng aktres sa kanyang naging reaksiyon, "but you also have to understand that for anyone, kahit hindi actor, it can be scary to be held, pushed or pulled by a stranger... that's why anyone else who just asked me got a photo.

"It was a question, not an accusation. I'm sorry, you scared me.”

Nag-sorry naman ang netizen kay Rhian dahil binatikos din siya ng mga tagasuporta ng aktres.

Sabi ni Rhian sa kanyang followers, nagkaroon lang sila ng misunderstanding ng netizen at hindi nila kailangang mag-away.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN