Lilet clarifies pregnancy, other false rumors about her in the '80s

IMAGE Noel Orsal

Former That's Entertainment mainstay Lilet finally speaks up about the issues and rumors that circulated in the '80s.


Aktibo ulit sa showbiz ang '80 singer-actress na si Lilet o Maria Luz Lilet Jodloman-Esteban sa showbiz.

Muli siyang sasabak sa teleserye, this time with GMA-7, via My Special Tatay kunsaan gaganap siyang ina ng Kapuso actor na si Ken Chan.

Nakilala si Lilet bilang singing sweetheart noong '80s at naging mainstay ng youth-oriented program na That's Entertainment.

Nakapag-release ng dalawang studio albums si Lilet noong '80s at dalawa rin noong '90s.

May inilabas din siyang album noong 2003.

Kabilang sa mga awiting pinasikat niya ay ang "Lonely Girl", "Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib", "Kaibigan Lang Pala", "Kahit Bata Pa", "Kay Palad Mo", "Kahit Minsan Lang", at "This Song's Dedicated To You".

Nakagawa naman ng apat na pelikula si Lilet noong '80s: Pik Pak Boom, Aso't Pusa, Estudyante Blues, at Dear Diary.

Taong 2015 nang magbalik sa showbiz si Lilet.

Gumawa siya ng magkakasunod na teleserye sa bakuran ng ABS-CBN tulad ng Forevermore, Langit Lupa, at A Love To Last.

Noong 2015 ay napasama rin siya sa horror film na Haunted Mansion.

At ngayon nga ay nasa bakuran naman siya ng GMA-7.

BUNTIS ISSUE

Dahil sa pagiging aktibo ulit ni Lilet sa showbiz sa edad na 44, naging open na itong sagutin ang mga naging intriga sa kanya noon.

Inamin ng singer-actress na marami siyang naririnig na mga tsismis sa kanya noon, pero hindi raw siya pinapayagan ng kanyang ina na sagutin ang mga ito dahil masyado pa siyang bata noon.

Ngayon, after 30 years, ready na si Lilet na bigyang-linaw ang mga intriga na iyon.

Naganap ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lilet sa media launch ng My Special Tatay, sa GMA Network Center, noong August 28.

Unang sinagot ni Lilet ang naging balita noon na kaya siya biglang nawala sa showbiz ay dahil nagtago raw siya sa Japan dahil nabuntis ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Actually, aside sa nabuntis daw ako at a very young age, nag-Japayuki raw ako.

"I was 12 years old kasi when I entered That's Entertainment. Pero never kong itinigil ang pag-aaral ko kahit na naging busy ako sa show.

"Dumating na ang time na parang mas gusto ko nang mag-concentrate sa pag-aaral ko.

"Hindi na nga kami pormal na nakapagpaalam kay Kuya Germs [German Moreno] dahil ayaw niya akong umalis ng That's.”


Lilet with German "Kuya Germs" Moreno

Patuloy ni Lilet, "Yung tungkol sa buntis issue at pagiging Japayuki ko raw, it started when I had the chance to visit my sister who got married and lives in Japan.

"When I was there, tinanong niya ako kung gusto ko bang mag-aral doon.

“Alam niya kasi na hindi na ako sobrang active sa showbiz that time. So, umoo naman ako.

"Doon na nagsimula ang tsismis na kaya ako nawala sa That's dahil nabuntis daw ako, at doon ako sa Japan nagtago at nanganak.

"Kaya when I was interviewed sa ABS-CBN when I was part of the teleserye Forevemore, they asked kung ilang taon na ang anak ko.

"That time, my daughter Elle was just six years old.

"Nagulat sila kasi ang alam nila, much older daw ang anak ko, and really thought na nanganak ako sa Japan noon.

"So, doon ko lang nilinaw ang lahat.”

Kuwento pa ni Lilet, “I got married in 2008. I met my husband [Jay Esteban] sa church where he is a pastor.

“That same year, I got pregnant sa first baby namin. Now she's 10 years old now.”


Stories We Are Tracking

<p>Lilet returns to showbiz via her first teleserye <em>Fo

Lilet returns to showbiz via her first teleserye Fo


COKE COMMERCIAL

Pati ang ginawa niyang Coke commercial noong 1987, kunsaan inawit ni Lilet ang theme song nitong "Tomorrow's People", ay ginawan din ng kung anu-anong istorya.

Ayon sa mga usap-usapan noon, sa Pilipinas lang daw kinunan iyon at idinikit lang daw siya sa naturang commercial para magmukhang kasama niya mga bata mula sa iba't ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw ni Lilet, "That Coca-Cola commercial was shot in Liverpool, England.

"May pruweba ako kasi nasa akin pa yung passport ko that time at may tatak siya. I will post it soon on Instagram.

"I was aware sa mga sinasabi nila na fake daw yung commercial, na I wasn't really there at isiningit lang ako.

"We shot the commercial at the St. George's Hall in Liverpool.

“Ang laki-laki nung place at totoo yung mga batang nakasama ko roon.

"Naging friends ko ang ilan sa kanila and we would write letters to one another noon.

“Pero siyempre, as we got older, nawalan na kami ng communication.

"Pero there was one na nahanap ako sa Facebook. Taga-Hong Kong siya and we've been in touch since then.

"I was only 12 when we shot that commercial in 1986.

“It was released noong 1987 as part of the first anniversary of the EDSA Revolution.

"When we were shooting the commercial, lamig na lamig ako.

“Hindi ko nga na-appreciate that time ang England kasi nga bata pa ako.

"Ang gusto ko lang talaga ay umuwi na ng Pilipinas kasi sobrang lamig doon.

"Now I wish to take my daughter there, sa same place kunsaan kami nag-shoot ng Coke commercial.”

STAGE MOTHER

Wala rin daw naging ka-close si Lilet sa mga naging kasama niya sa That's Entertainment dahil sa pagiging stage mother ng ina nito.

Pahayag niya, "Stage mother ang tawag nila noon sa mommy ko. Pero hindi naman siya nang-aaway.

“She was just protective of me kasi I was very young when I started sa show.

"Naiintindihan ko ang pagiging protective ng mom ko noong maging mommy na rin ako, that you would do anything para hindi naaagrabyado or nasasaktan ang anak mo, di ba?

"May mga naging friends naman ako sa That's, yun nga lang, di ako nakakasama sa kanila after the show kasi I go straight home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pati nga yung paglipat ko ng araw sa That's, naging issue rin.

“Kasi raw may iniiwasan akong isang member. Hindi po totoo yun.

"Nagpalipat ako ng araw because sa schedule ko sa school.

“I was originally with the Wednesday group.

“Pero dahil sa school, mahihirapan akong ipagsabay yun. Kaya inilipat ako ni Kuya Germs ng ibang araw.

"Ang naging close ko talaga noon was Ricky Rivero.

"'Tapos after so many years, naging director ko siya sa isang teleserye sa ABS-CBN."

FORBIDDEN KISS

During her time sa That's Entertainment, wala raw nanligaw kay Lilet.

Masyado raw kasing strict ang kanyang ina na tumatayo ring manager niya.

May usap-usapan pa nga noon na ipinagbawal daw ng ina ni Lilet na mahalikan at mayakap ito ng fans dahil magugulo raw ang buhok at make-up nito.

Sa kamay lang daw puwedeng halikan si Lilet at hindi raw ito puwedeng sabitan ng sampaguita lei.

“Iyan ang mga naririnig ko noong nasa That's ako.

"Sa totoo lang, mga babaeng fans lang ang puwedeng humalik at yumakap sa akin.

"Mga lalaking fan lang ang hindi puwede kasi there was one instance noong kumakanta ako sa show, may isang lakaki na hinalikan ako sa lips.

“As in, hinawakan niya ang mukha ko ‘tapos hinalikan ako sa lips!

"Siyempre medyo na-shock ako pati na ang mommy ko.

“Kaya ibinilin niya na kapag kakanta ako sa That's, bawal humalik ang mga lalaki.”

Pagpapatuloy ni Lilet, "Yung tungkol naman sa sampaguita, okey naman na sabitan ako basta kasya sa leeg ko.

“May iba kasi, maliliit kaya hinahawakan ko na lang.”

BODY SHAMING

Pati ang buhok at ang paglalakad noon ni Lilet ay ginawan din ng intriga.

Kaya raw laging nakatago ang tenga nito sa kanyang buhok ay dahil nahihiya ito sa kanyang malalaking tenga.

At kaya raw ito naka-bangs noon ay may itinatago itong malaking peklat sa noo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagkalat ding hindi raw pantay ang legs ni Lilet dahil nagka-polio raw ito.

Pagbabalik-tanaw ni Lilet, “Those were the other things na pinagtatawanan ko na lang ngayon.

"Wala po akong peklat sa noo. Hindi po ako si Harry Potter!

“Naka-bangs po ako kasi malapad talaga ang noo ko. 

"Wala ring diperensiya ang mga tenga ko. Normal po ang laki ng mga tenga ko.

"Pantay po ang mga legs ko. Panget lang talaga ako maglakad kasi flat-footed ako.

"Sa sobrang lampa ko, I can't wear high heels hanggang ngayon. Mas kumportable ako wearing flats.

"I tried once to wear heels sa isang teleserye, nadapa ako and I got injured. Kaya never again!”

Sabi pa niya, "Nakakatawa lang ang mga tsismis noon, di ba?

“Mabuti na lang wala pang social media noon, or else, ang dami pa nilang nasabi about me!”

SAD EXPERIENCES

Sa My Special Tatay, napasabak sa maraming mabibigat na dramatic scenes si Lilet.

Para magawa raw niya ang mga ganung klaseng eksena, humuhugot siya sa mga malulungkot na pangyayari sa personal niyang buhay, tulad ng pagpanaw ng mga mahal niya sa buhay.

Taong 2010 nang pumanaw ang ina ni Lilet na si Mrs. Lily Jodloman.

November 2017 ay sumakabilang-buhay ang kanyang kuya na si Jessie Jodloman.

March 2018 naman noong mamaalam ang kanyang ama na si Mr. Jesus Jodloman.

Noong nakaraang August 26 naman ay pumanaw ang kapatid ng kanyang ama na itinuring ni Lilet na second father niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN