Janine Gutierrez posts throwback photo with Crazy Rich Asians hottie Henry Golding

IMAGE Janine Gutierrez Instagram

Janine Gutierrez leaves netizens (and fellow celebrity friends) drooling with her throwback photo with Crazy Rich Asians lead star Henry Golding. The photo was taken last October 2017 from a Louis Vuitton event in Singapore.


Maraming naiinggit ngayon kay Janine Gutierrez.

Nag-post kasi si Janine ng throwback photo sa kanyang Instagram account kunsaan kasama niya si Henry Golding, ang male lead star ng hit movie na Crazy Rich Asians.

Narito ang post ni Janine:

May isang importanteng eksena sa Crazy Rich Asians kung saan involved ang larong mahjong.

Kinababaliwan ngayon ng marami ang guwapo at hunky star (na gumaganap bilang si Nick Young sa Crazy Rich Asians) kaya naman marami ang nainggit kay Janine sa kuha nila ni Henry.

Kuha ang naturang larawan nina Janine at Henry noong October of last year sa isang event ng Louis Vuitton sa Singapore na pareho nilang dinaluhan.

Hindi pa gaanong sikat sa Pilipinas si Henry noong panahong yun, pero dahil nga sa box-office success ng Crazy Rich Asians, certified millennial crush na siya ngayon.

Ilan sa mga Kapuso stars na nag-comment sa IG post ni Janine ay sina Ashley Rivera (na kilala rin bilang si Petra Mahalimuyak), Kapuso male star Mikoy Morales, comedienne/host na kasama ni Janine sa Day Off na si Maey Bautista, Max Collins, at Kris Bernal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN