Former child star Makisig Morales now engaged to Fil-Aussie girlfriend

IMAGE @makisig228 and @_nicolejoson_ on Instagram

Former Bagani star Makisig Morales has proposed to Filipino-Australian girlfriend Nicole Joson in Australia.


Engaged na ang former child star na si Makisig Morales sa kanyang Filipino-Australian girlfriend na si Nicole Joson, isang beauty queen at model.

Nag-post ang 21-year-old actor sa Instagram ng larawan kasama ang girlfriend nitong September 1, Sabado.

Simpleng caption dito ni Makisig: “My fiancé [sic].”

Base sa social media accounts ng dalawa, naganap ang proposal ni Makisig kay Nicole sa Australia, kung saan naka-base ang aktor kasama ang kanyang pamilya.

Sa Instagram account naman ni Nicole, nag-post siya ng larawan kung saan magkahawak ang kamay nila ni Makisig.

Suot ng dalaga ang engagement ring at katabi ang platong may nakasulat na “Will you marry me?”

Caption ni Nicole: “He stole my heart, so I’m stealing his last name.”

He stole my heart, so I'm stealing his last name. ??????

A post shared by N I C O L E (@_nicolejoson_) on

Magkahalo naman ang reaksiyon ng co-stars ni Makisig sa pinakahuling prime-time series na kinabilangan niya sa ABS-CBN, ang Bagani.

Halatang nagulat sina Aiko Melendez, Eric Tai, at Ryan Eigenmann sa announcement ni Makisig.

Bumati naman si Rayver Cruz na kasamahan din ni Makisig sa Bagani.


Nagsimula sa showbiz si Makisig sa pamamagitan ng Kapamilya kiddie reality-based singing Little Big Star noong 2005.

Nagbida siya sa successful prime-time TV series na Super Inggo (2006-2007) na nasundan pa ng Super Inggo 1.5 Ang Bagong Bangis noong 2007.

Kinalaunan, nag-migrate si Makisig kasama ang pamilya sa Australia.

Nagtrabaho siya roon bilang service crew ng isang international fast-food chain habang nag-aaral. 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN