Angelica Panganiban posts sweet birthday message for ex-boyfriend Carlo Aquino

IMAGE Courtesy: @iamangelicap on Instagram

Netizens get super kilig over Angelica Panganiban's one-liner birthday message for ex-boyfriend Carlo Aquino.


Maraming mga tagahanga nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino ang tila nabigyan ng pag-asang magkakabalikan ang dating magkarelasyon.

Ito ay kasunod ng sweet birthday message ni Angelica, 31, para sa ex-boyfriend na nagsi-celebrate ng kanyang ika-33 kaarawan ngayong araw, September 3.

Mensahe ng Kapamilya actress para kay Carlo sa Instagram: “Sa’yo lang hindi nagbago ang salitang pagmamahal.

“Maligayang kaarawan @jose_liwanag.”

Sinamahan niya ito ng larawan na magkayakap silang dalawa.

Puro naman mensahe ng pag-asa at kilig ang komento ng mga tagahanga ng CarGel, ang tawag sa hukbo ng fans nina Carlo at Angelica.







Nitong mga nakaraang buwan, lumakas ang bulung-bulungang muling nanumbalik ang magandang pagtitinginan ng dating magkasintahan.

Anim na taon tumagal ang relasyon nina Angelica at Carlo, mula taong 2000 hanggang 2006.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN