Luis Manzano calls online bashers "failures in life"

IMAGE Photos grabbed from I Can See Your Voice and Luis Manzano Facebook Live

Luis Manzano on fighting back against bashers: "Luma na kasi iyang huwag patulan, iyang high road. Hindi ako naniniwala sa ganyan. Iba ako. Hindi lahat ng artista, mabait."


“Failures in life.”

Ito ang tawag ni Luis Manzano sa bashers sa social media na mahilig mambatikos, mapa-artista man o hindi.  

“Yung mga bashers na iyan, pretty much, are all failures sa buhay nila," diretsahang pahayag ng ABS-CBN TV host-actor sa kanyang Facebook Live nitong Lunes ng hapon, September 3.

Dagdag ni Luis, "They scream failure, they fail sa personal life nila, they fail as children, they fail sa school, they fail sa trabaho…

“So they need an anchor to feel better about themselves, so they look for the next easy target, kung sino puwedeng hilahin pababa para they can feel better about themselves.

“Dahil wala silang mapatunayan sa sarili nila, di ba?

"So naghahanap sila ng puwedeng ibaba and, of course, we all know na anonymity brings out the cowards in people.

“So bihira kang makakakita ng taong harap-harapan magsasabi kung ano ang nilalaman ng utak nila, especially if it’s something negative or if it’s an attack, a solid attack, so they always hide behind anonymity.

“Basically, wala silang maipagmalaki sa buhay nila. Mamamatay silang ganun.”

"YOU REAP WHAT YOU SOW."

Vocal si Luis sa pagsasabing hindi siya ang tipo ng artistang pinapalampas ang bashers.

Kilala rin siya sa pagsagot sa bashers online.

Dugtong ng 38-year-old Kapamilya star, “Yun ang mga gumigising araw-araw na nagsisisi sa mga pinaggagagawa nila.”

Hindi naman daw bawal magkomento pero ggit niya, “Iba ang comment, iba yung critique over a performance.”  

Ni isa raw sa kanyang bashers ay wala pang naglakas ng loob tanggapin ang hamon niyang sabihin nang harap-harapan ang pambabatikos sa kanya.

“Sa dinami-rami ng bashers ko kuno, bakit wala pang nakakapunta sa harap ko at sinabi kung ano ang opinyon niya?” tanong niya.

Pinaninindigan din ni Luis ang pagpatol niya sa bashers.

“Luma na kasi iyang huwag patulan, iyang high road. Hindi ako naniniwala sa ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba ako. Hindi lahat ng artista, mabait.

“Never ko pinresenta ang sarili ko na mabait.

“Paikot lang naman iyan. Pag mabait ka, dapat mabait ang isukli mo.

“Pag may gumago sa iyo e, di, gaguhin mo rin.

“You reap what you sow,” paliwanag niya.


Stories We Are Tracking

Luis shrugs off bashers doubting Jessy's weight loss
Luis shrugs off bashers doubting Jessy's weight loss
Luis engages in IG banter with netizen over
Luis engages in IG banter with netizen over "funny" video


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN