Former child actor Jairus Aquino patiently waits for his big break

IMAGE Jairus Aquino Instagram

Star Magic artist Jairus Aquino doesn't mind waiting for his next big project, and doesn't take it against other actors who are enjoying success at the moment. "Masaya ako para sa kanila and, on my part, I can't force something na hindi pa para sa akin. Kung hindi pa ready ang tao sa akin, we don't know, but masaya ako para sa kanila."


May dalawang taon na mula nang huling mapanood sa isang teleserye ang Kapamilya young actor na si Jairus Aquino.

Nakasama siya sa Langit Lupa, bukod sa ilang guest appearances niya sa mga drama anthology na Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo.

Bagamat nakapirma pa rin siya bilang isang Star Magic artist, hindi naman daw nangungulit si Jairus upang alamin kung kailan siya magkakaroon muli ng proyekto.

“Hindi po ako ganun, e. Kung meron, meron. Kung wala, wala,” sabi ng 19-year-old actor.

Sa palagay ba niya ay okey yung attitude niyang hindi nagtatanong, at nag-aabang lang kung ano ang darating na oportunidad?

Sagot ni Jairus, “Siyempre hindi, pero ang sa akin lang din kasi, ayokong ipilit.”

Hindi rin daw siya nagsasara ng pintuan kung may oportunidad siya sa ibang network.

“I don’t wanna say na wala, I don’t wanna say na meron. If things happen, [they will] happen.”

Aminado naman si Jairus na wala pa siyang natatanggap na offer sa ibang network.

“Kung meron man, siyempre po we’ll do the right process. Magpapaalam.”

LIFE OUTSIDE SHOWBIZ

Kahit nagsimula siya bilang child actor sa Kapamilya network, ayaw raw ni Jairus na sa showbiz lang nakasentro ang kanyang buhay.

Habang walang regular work, mas nakakapag-focus daw siya sa pag-aaral ng kursong film sa Meridian International College sa Taguig City.

Ayon kay Jairus, “Para sa akin, gusto ko yung ginagawa ko, pero ayoko ng ganito lang. 

“Like I’ve said, hindi rin naman po pangmatagalan. I have to give myself security, which is study. 

"Gusto ko rin pong maging director at gusto ko rin maging pilot.

“Yun, e, kung kaya pa.”

Kasabayan ni Jairus si Nash Aguas, na napansin nang husto sa teleseryeng The Good Son.

Kasama rin sa seryeng iyon si Joshua Garcia, na isa sa talagang pinu-push ngayon ng Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag nakikita o napapanood niya ang mga ito, nakakaramdam ba siya ng inggit kahit paano?

“Wala po, e,” mabilis niyang sagot.

“Nagkataon po na sila ang nabigyan ng chance.

"Ako po kasi, happy po ako sa kung ano ang meron sila.

"Anuman ang trabaho nila ngayon, nasaan sila, I’m very happy for them.

“Masaya ako para sa kanila.

"And on my part, I can’t force something na hindi pa para sa akin.

"Kung hindi pa ready ang tao sa akin, we don’t know, but masaya ako para sa kanila.”

Sila ni Sharlene San Pedro ang magka-love team mula pa sa dati nilang youth-oriented show na LUV U. Pareho rin silang naging video jocks sa MYX music channel.

Ano ang nangyari sa love team nilang dalawa?

Ayon kay Jairus, “Hindi ko rin po alam, e. 

"Things happened na, ako, nawala sa MYX. Dati po kasi magkasama kami. Siya naman nasa MYX pa rin.

"Nag-study po ako, wala rin naman akong magagawa.”

Amiando naman si Jairus na may girlfriend siyang non-showbiz. 

Isinama rin niya ito sa premiere night ng pelikulang Petmalu noong August 28 sa SM Megamall.

“Wala naman pong masama, wala naman kaming ginagawang masama, di po ba?” sabi ni Jairus.

CHALLENGING GAY ROLE

Nang mapanood namin ang Petmalu, na ipalalabas na sa mga sinehan sa September 5, naunawaan namin kung bakit hindi maikuwento noon ni Jairus ang karakter niya sa pelikula.

Unang beses nga niyang gumanap bilang isang bading. Pero itinago niya muna ito at kalaunan lang inamin sa mga kaibigan niya.

Aniya, “Sobrang challenging po talaga yung role at mas maganda pa rin po, panoorin po nila kapag ipinalabas na sa mga sinehan, kasi dun po nila makikita kung ano yung mangyayari sa role ko.

“Masasabi ko po talagang halos lahat po ng ginawa ko rito, first time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang beses na niyang naging direktor si Joven Tan. Una, sa pelikulang Impossible Dream, at ngayon nga sa Petmalu.

Kumusta itong direktor?

Sabi ni Jairus, “Wala pa rin ipinagbago, at the same time, masarap kasama. No pressure at all to the point na, he let me be.

“At yun ang gusto ko, kasi sometimes yung terror, hindi na gumagana sa ibang artista.

"Kasi, mas natatakot kaming gumalaw, mas natatakot kaming mag-experiment.

“With Direk, mas nabibigyan namin ng sariling input yung role namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN