Valerie Concepcion on getting married: "Finally may nabingwit din ako."

IMAGE PEP Source / Noel Orsal

Valerie Concepcion on fiancé Francis Sunga: "ung sino pa yung malayo, taga-Guam siya, he is based there, pero siya yung nakapagpa-feel sa akin na kahit malayo siya, secure ako sa kanya, hindi ako siguradong napa-paranoid, hindi ako nagseselos. I don't know, that's how he makes me feel."


Matagal na raw pangarap ni Valerie Concepcion na maikasal sa lalaking minamahal niya.

Ngunit ngayon lamang ito matutupad matapos mag-propose sa kanya ng kasal ang non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga noong July 11, 2018.

Saad ng 30-year-old actress, “Siyempre, sobrang happy ako kasi alam mo ba, sa totoo lang, 23 years old pa lang ako, dini-dream ko na ikasal.

"Kasi, my parents got married when my mom was 25.

“So, I was hoping to get married nung 25 years old din ako.

"So, 23 pa lang ako, nasa dream ko na na ikasal."

Patuloy ni Valerie, “Now, I’m 30, finally may nabingwit din ako, di ba, finally?

“Sabi ko nga, unti-unting natupad ang mga dreams ko.

“Like, una, gumradweyt ako [BA Psychology, June 2018].

"Pangalawa, ang ganda-ganda ng show na ibinbigay sa akin [Ika-5 Utos] ng GMA, ang ganda ng opportunity.

“Ang tagal ko na sa showbiz, ang dami ko natutunan sa mga kaeksena ko, kay Direk Laurice [Guillen].

"Pangatlo, ito nga, ngayon magpaplano na kami ng kasal.

“So, di ba, parang everything is falling into place.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie sa presscon ng Ika-5 Utos sa 17th floor ng GMA Network Center, Quezon City, kagabi, September 3.

Mapapanood ang Ika-5 Utos sa GMA Afternoon Prime simula sa September 10.

WEDDING IN DECEMBER?

Si Francis ay nagtatrabaho sa Guam bilang isang clerk of court.

Ano bang meron sa nobyo at sa tingin ni Valerie ay ito na talaga ang kanyang forever?

Sagot ng aktres, “Actually, that’s the funny thing, hindi ko nga naintindihan why.

"Because I had boyfriends naman here sa Philippines.

“Pero alam mo yung feeling na lagi kang may pinagseselosan, lagi kang praning, ganyan?

"Pero eto, kung sino pa yung malayo, taga-Guam siya, he is based there, pero siya yung nakapagpa-feel sa akin na kahit malayo siya, secure ako sa kanya, hindi ako siguradong napa-paranoid, hindi ako nagseselos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know, that’s how he makes me feel.

"Or, siguro umpisa pa lang na parang, ‘Shucks, ito yung perfect match for me.'”

Ano ba ang dream wedding niya?

Tugon ni Valerie, “Ano kami, kasi he’s Christian, ako Catholic, pero nag-compromise na kami na Christian wedding na kami.

“So, baka mag-garden wedding kami.

"Pero sabi ko sa kanya, ‘Gusto ko may aircon, baka hindi puwedeng garden.’

“Kasi bigla kong na-realize, 'Bakit garden?'

"Parang hulas, parang dapat may aircon, kasi nga ngayon [sa presscon] may aircon nga, pinagpawisan na ako."

Sa naunang panayam ng PEP.ph kay Valerie, sinabi nitong baka sa katapusan ng taon mangyayari ang kanilang civil wedding. Matutuloy ba ito?

Lahad ni Valerie, “Supposedly, December, magsi-civil wedding kami.

"Kaso dahil nga sa Ika-5 Utos, we found out kasi na kapag mag-fiancé visa kami, kailangang I have to stay there for three months daw, pero I can’t do that.

“So ngayon, we're gonna wait for the show to finish para mag-civil wedding kami or isahang bagsakan na lang na church wedding kami, which is hindi pa namin napag-usapan.”

Kung magkakaroon man daw ng delay, napagdesisyunan na nila na by January 2020 ay ikakasal na talaga sila.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN