Bea Alonzo-Gerald Anderson Hong Kong photos leaked online

IMAGE @bearaldcoordinator @bearald_destiny_ on Instagram

All's well that ends well. Looks like Bea Alonzo and Gerald Anderson are finally back together after their relationship went through a rough patch early this year. Pinoy fans spotted the Kapamilya couple while on vacation in Hong Kong.


Magkasamang nagpunta sa Hong Kong ang showbiz couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ito ay base sa mga larawang in-upload ng mga Pinoy roon sa social media.

Indikasyon ito na tuluyan nang nagkaayos ang dalawa matapos dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon noong Marso ng kasalukuyang taon.

Hindi nag-upload sina Bea at Gerald ng mga larawang magkasama sila sa social media, pero matutukoy na nasa pareho silang lugar base sa solo pictures nila.

Tila nagpapaka-low profile ang Kapamilya couple.

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

Nag-leak din ang ilang larawan mula sa Hong Kong trip nila dahil in-upload ito ng kanilang fans sa social media.

Base sa mga Instagram post, nitong weekend nangyari ang Hong Kong trip ng magkasintahan, kung saan kasama rin nila ang iba pang mga kaibigan.

Namataan ang dalawa sa isang branch ng international fast-food chain, sa loob ng train, at habang nagpapa-picture kasama ang kanilang fans.

Matatandaang dumaan sa pagsubok ang relasyon ng dalawa noong March, nang ma-link si Gerald sa leading lady nito sa pelikulang My Perfect You na si Pia Wurtzbach.

Inihayag naman ni Bea sa promotion ng pelikula niyang Kasal noong Mayo na siya ay “technically” single, pero nag-uusap pa rin sila ni Gerald.


Stories We Are Tracking

Bea breaks silence on rumored breakup with Gerald
Bea breaks silence on rumored breakup with Gerald
Gerald and Bea settle
Gerald and Bea settle "simple misunderstanding"


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN