Angelica Panganiban reveals she and Carlo Aquino became a couple twice

IMAGE Noel Orsal

Angelica Panganiban on why past relationship with Carlo Aquino did not work out: "Pero siyempre hindi naman palagi siya yung mali. Ano kaya yun, hindi ako nagkamali? Ano ako, Mama Mary? Perfect? Siyempre may mga nagawa din ako."


Inamin ni Angelica Panganiban, 31, na dalawang beses silang naging magkarelasyon ni Carlo Aquino, 33, noong kabataan nila.

Taon daw ang lumipas noong unang beses silang naghiwalay hanggang sa muling naging marupok si Angelica sa swabeng panunuyo ni Carlo.

“Ganyan yung ginawa niya as akin, nagpa-cute ulit. 'Tapos eto naman ako, tawang-tawa ako.

"Ayun, na-fall ako, naging kami ulit."

Bakit sila nag-break?

Pag-amin ni Carlo, “Kasalanan ko.”

Dagdag ni Angelica, “Nung pangalawang beses, parang hindi na siya sure.”

Inamin din ng aktres na siya ang mas nag-effort na ipaglaban ang kanilang relasyon noon.

Patuloy ni Angelica, “Pero siyempre hindi naman palagi siya yung mali.

“Ano kaya yun, hindi ako nagkamali? Ano ako, Mama Mary? Perfect?

"Siyempre may mga nagawa din ako.

“May mga pinagselosan din siya. Siyempre bata kami nun, e.

"Nakaka-excite kaya pag may nanligaw sa iyo, may nagandahan sa iyong iba.

“Ganun lang siguro yun. Bata pa kami nun.”

Sa kabila ng sakit ng hiwalayan nila noon ay naging maayos daw ang lahat sa pagitan nina Carlo at Angelica.

Sabi ni Angelica, “Siyempre galit ka. Pero hindi siya sumuko talaga. Kailangan friends kami.”

Nakapanayam sina Angelica at Carlo sa media launch ng kanilang pinagbibidahang pelikula, Exes Baggage, na ginanap sa Pub.Liq Gastropub sa Quezon City kagabi, September 5.

HAPPY MEMORIES

Dito inamin ni Carlo na marami siyang naitagong gamit na bigay ni Angelica noong sila pa.

“Meron siyang ibinigay sa akin na video, e, na may kanta ni Enya. Hindi ko makita, inis na inis ako.

“Ang nakita ko lang yung mga photos namin, 'tsaka yung mga diary niya. Nasa akin pa yung mga diary niya.

“Hindi niya alam naitago ko pa yun after ilang taon.”

Sabi naman ni Angelica, “Siya may hawak ng sikreto ni Mara at Clara. ‘90s talaga?!”

Sabay biro ni Carlo na isasapubliko niya ang diary ni Angelica, “Mag-IG Story ako!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Banta naman ni Angelica, “Subukan mo!”

ALL-GROWN UP NOW

Mahigit isang dekada na ang lumipas mula nang magkahiwalay sina Angelica at Carlo.

Ngunit nasaksihan daw ni Carlo kung paanong nanatiling mapagmahal si Angelica hanggang sa kasalukuyan.

“Sobrang dami pa rin niyang pagmamahal na kayang ibigay. Sobrang dami pa rin kahit ilang beses na siyang nasasaktan.

“Sinasabi niya, living thing lahat. Ultimo paghinga, naa-appreciate niya. 

“Nakikita ko siya naglalakad sa bahay, kinakausap yung mga halaman, ‘Kumusta ka na?’

“Yung mga plants at hayop, kinakausap niya. Alam mo yun? Pabaliw!”

Pabirong hirit ni Angelica, “Ganun talaga, pabaliw! Kagagawan niyo ito na mga nanakit sa akin!”

Sabay bawi ulit ng dalaga, “Hindi! Huwag niyo na pansinin yung mga ginagawa ko.

"Na-appreciate ko lang talaga yung mga bagay na naggu-grow, nagbu-bloom.

“May mga bagay na nawawala, pero may mga bagay na naggu-grow.”

Pagkatapos ay inilarawan ni Angelica ang pagbabagong napansin niya ngayon kay Carlo.

"Naramdaman ko mas pa-baby siya ngayon, e. Dati mas siya yung nag-aalaga.

"Ngayon antukin, pa-cute, ang daming masakit palagi sa kanya..."

Komento ni Carlo, sadyang nasa personalidad lang daw talaga ni Angelica ang pagiging maalaga.

REKINDLED ROMANCE?

Dahil pareho silang single at kapansin-pansin pa ring may chemistry sila, hindi maiwasang tanungin kung posibleng maging sila na lang ulit at kung nanliligaw na ba si Carlo kay Angelica.

Natatawang hirit ni Angelica, "Oo nga, aminin mo na nga!"

Direktang sagot naman ni Carlo, "Hindi ako nanliligaw."

Sabay bulalas ni Angelica, "Ouch!"


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN