Tom Rodriguez defends Lovi Poe from netizen who prefers TomCar tandem

IMAGE Noel Orsal / Tom Rodriguez Instagram

Kapuso actor Tom Rodriguez comes to Lovi Poe's rescue after a netizen expressed her dislike to the actress as Tom's leading lady. 


Pinagsabihan ni Tom Rodriguez ang isang netizen na nag-post ng hindi magandang komento tungkol kay Lovi Poe.

Sa kanyang Instagram account, nag-promote si Tom ng guest appearance nila ni Lovi para sa episode ng Dear Uge sa darating na Linggo, September 9.

Ipinost ito ng Kapuso actor noong Miyerkules, September 5.

View this post on Instagram

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas) on

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing ayaw niya si Lovi dahil halata raw na may gusto ito kay Tom.

Mas gusto raw ng netizen na ipareha ang aktor sa kanyang real-life girlfriend na si Carla Abellana.

Sumagot si Tom at nakiusap sa netizen na huwag i-bash si Lovi.

Mensahe ng aktor, "Please let us refrain from flaming or bashing other artists. We are all friends and are all just doing our jobs.

"I understand po that many people want to see Carla and I paired up together lagi, maging ako miss na miss ko siyang katrabaho, but there must be a way to advocate for that without purposefully hurting other people that are just doing work.

"#trabaholangpo #goodvibeslang."


Muling nagkomento ang netizen at sinabing hindi siya namba-bash, kundi ipinahayag lang niya ang pagnanais na magkapareha muli sina Tom at Carla.

Nag-sorry rin ang netizen kung na-offend ang aktor sa komento niya tungkol kay Lovi.

Tinanggap naman ni Tom ang paumanhin ng netizen.

Saad niya, "Wala pong problema at salamat sa paghanga sa amin ni Carla.

"Ang sa amin lang, mga kaibigan namin ang halos lahat ng mga nakakatrabaho namin at ayaw lang din namin na may umatake sa kanila na mga humahanga sa amin.

"Salamat po sa suporta, God bless."




ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN