Sunshine Cruz calls out estranged husband Cesar Montano for neglecting obligations to their daughters

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Cruz on estranged husband Cesar Montano: "Utos na nga ng korte, di pa niya sundin, samantalang siya naman ang nagbigay sa korte ng mga supposed kaya lang niyang ibigay sa mga kids."


Tila napuno na si Sunshine Cruz kaya idinaan na niya sa social media ang saloobin tungkol sa pagtalikod ng estranged husband niyang si Cesar Montano sa mga responsibilidad nito sa kanilang tatlong anak.

Nagpaunlak ng eksklusibong panayam si Sunshine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos niyang mag-post sa social media ng apat na quote cards tungkol sa pagiging isang mabuting ama.

Malinaw na ang pinatatamaan dito ni Sunshine, 41, ay ang kanyang estranged husband na si Cesar, 56.

Sa comments section kasi ay sinagot ng aktres ang tungkol sa kanyang pinariringgan, at direkta niyang pinangalanan dito ang nakahiwalayang asawa.

Sa pamamagitan ng Facebook messaging kagabi, September 5, ipinaliwanag ni Sunshine sa PEP.ph kung bakit nagpupuyos siya sa galit laban sa ama ng kanyang mga anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Franchesca.

Pahayag ng Kapag Nahati Ang Puso actress, "Namihasa na talaga.

"Di na nga sinusunod ang utos ng court na share niya sa three kids, ever since naman ganun.

"Pero may pride ako kaya hanggang maaari, ako na lang ang gumagawa ng paraan.

"Binali na talaga to the extent na kulang na lang sabihing 'Bahala ka na' at 'Kayanin mo ang lahat ng kailangan ng kids.'"

Ayon kay Sunshine, kahit ang mga anak nila ay kailangan pang dumaan sa sekretarya ni Cesar kapag may gusto itong sabihin sa kanilang ama.

"Hindi rin siya ma-reach ng kids for anything.

"Dapat laging idadaan sa secretary ang lahat.

"Maghihintay ka ng ilang araw o linggo sa reply na secretary din ang sasagot.

"Seen-zoned lagi ang mga bata sa tatay," himutok ng aktres.

BE A RESPONSIBLE FATHER

Sinabi rin ni Sunshine na kahit hindi ipag-utos ng korte, dapat gampanan ni Cesar ang responsibilidad nito sa tatlo nilang anak.

"Kahit walang korte na pumagitna, alam niya ang responsibilidad niya dapat sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It is wrong for me to still shoulder the obligation asked of him by the court.

"Which I've been already doing years na rin para na nga lang walang issue.

"Dapat nga bumawi siya sa mga bata kahit hindi na lang pinansiyal.

"Konting effort dahil ang laki ng atraso niya sa mga bata pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga yan na baka ma-realize niya ang importansiya ng mga bata."

Kaugnay nito, nakatakdang maghain ng mosyon sa korte si Sunshine sa susunod na linggo upang sundin ni Cesar ang mga iniutos ng korte.

Aniya, "We are filing a motion next week para mailagay sa ayos ang ilang taon na niyang binabali.

"Utos na nga ng korte, di pa niya sundin, samantalang siya naman ang nagbigay sa korte ng mga supposed kaya lang niyang ibigay sa mga kids.

"Doing this for the kids. It's time to do what is right for my children."

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Cesar Montano kaugnay ng mga pahayag ni Sunshine Cruz.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN