Devon Seron admits Kiko Estrada has won her heart

IMAGE @jasondiazejercito Instagram

Kiko Estrada at Devon Seron, tampulan ng tukso mula sa kanilang showbiz colleagues dahil sa panay ang post ng dalawa ng kanilang kilig moments sa Instagram. 


Inihayag ni Devon Seron, 25, na ang puso niya ay pagmamay-ari na ni Kiko Estrada, 23.

Base ito sa Instagram post ni Kiko kahapon, September 8, kung saan ibinahagi niya ang larawan ni Devon.

View this post on Instagram

A post shared by kiko estrada (@jasondiazejercito) on

Walang inilagay na anumang caption sa post si Kiko, ngunit si Devon ay nagkomento ng heart emoji katabi ng katagang “yours.”


Hindi na napigilan nina Devon at Kiko na isapubliko ang maganda nilang pagtitinginan, isang buwan mula nang aminin ng bagong Kapuso actress sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mayroon siyang boyfriend na taga-showbiz.

Bagamat hindi pinangalanan ni Devon kung sino ang boyfriend na tinutukoy niya, kapansin-pansin ang magkakasunod na pagbahagi nila ni Kiko ng kanilang sweet photos and videos sa Instagram.

View this post on Instagram

??

A post shared by Devon Seron (@devonseron) on

Tulad na lang nang dumalo sila sa 80th birthday ni Mother Lily Monteverde sa Crowne Plaza noong Agosto.

Dito ay naringgan pa si Kiko na tinawag na “babe” si Devon habang sila ay nag-uusap sa loob ng ballroom. 


APPROVAL FROM SHOWBIZ COLLEAGUES

Samantala, pati  kapwa-artista nilang sina Donny Pangilinan, Jeric Gonzales, Kisses Delavin, Elmo Magalona, Charee Pineda, at TJ Marquez  ay kinikilig din sa relasyong Devon at Kiko.

Narito ang ilan sa kanilang comments sa mga larawan nina Devon at Kiko sa Instagram account ng Kapuso actor: 






Nagkasama sina Devon at Kiko sa mga pelikulang Pwera Usog (2017) at Walwal (2018).


Stories We Are Tracking

Is Kiko Estrada the new boyfriend of Devon Seron?
Is Kiko Estrada the new boyfriend of Devon Seron?
Devon Seron refuses to reveal identity of new boyfriend
Devon Seron refuses to reveal identity of new boyfriend
Devon Seron waiting for regular show after GMA-7 transfer
Devon Seron waiting for regular show after GMA-7 transfer
Devon Seron bids goodbye to ABS-CBN; now a Kapuso
Devon Seron bids goodbye to ABS-CBN; now a Kapuso


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN