Jean Garcia wishes to win lotto and set up foundation for children and elderly

IMAGE Noel Orsal

What Jean Garcia will do with the money if she wins lotto: "Gusto kong magkaroon ng foundation for kids and for matatanda."


Vocal si Jean Garcia sa pagsasabing tumataya rin siya sa lotto.

Sabi nga niya, "Nagbabakasali, wala namang masama."

Mahigit PHP500 million na ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 at kung papalaring manalo, ang unang gagawin raw ni Jean ay magtayo ng isang foundation.

Aniya, "Pangarap ko talaga pag nagkaroon ako ng maraming pera o nakaipon ako nang sobra-sobra…gusto kong magkaroon ng foundation for kids and for matatanda."

Mga batang palaboy at walang makain at matirahan?

"First, magre-research ako, pipili kung ano, kung street children ba, mga orphanage ba?

"Gusto kong unang-unang tulungan is the matatanda and the mga kids, iyan ang pangarap  ko.

"'Tapos ang isa pa is yung sa pagpapaaral, education, ito any age ito, puwedeng kahit anong edad."

Pero kung hindi man suwertehin sa lotto ay tumutulong pa rin naman daw si Jean sa abot ng kanyang makakaya sa mga nangangailangan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang batikang aktres sa presscon ng Ika-5 Utos noong September 3, Lunes, sa 17th floor ng GMA Network Center.

IKA-5 UTOS

Si Jean at si Jeric Gonzales ang nasa gitna ng poster ng Ika-5 Utos, pero hindi raw ito nangangahulugan na siya lamang ang bidang babae sa teleserye.

Itinanggi rin ng aktres na siya ang inaasahang magdadala ng show lalo’t ngayon pa man ay naikukumpara na ito sa matagumpay na Ika-6 Na Utos, na pinagbidahan nina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion.

Lahad ni Jean, "Hindi naman, at saka I don’t consider na ako lang yung bida, e, tatlo kami talaga.

"Yung tatlong magkakaibigan plus yung mga asawa 'tapos yung mga kids, mga millennials."

Ang tinutukoy ni Jean ay ang mga karakter nina Valerie Concepcion, Gelli de Belen, Tonton Gutierrez, Neil Ryan Sese, at Antonio Aquitania.

Isa si Jeric sa mga millennial characters na kasama sina Inah de Belen, Jake Vargas, at Migo Adecer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ni Jean, "Ang  story talaga is umiikot sa tatlong babaeng magkakaibigan.

"So hindi lang ako, it's about yung character ko, yung character ni Gelli at yung character ni Valerie, plus the husbands, plus the kids nung lumaki sila.

"Maganda yung story, nakakaiyak siya at maloloka ka sa story.

"Nung nabasa ko yung pilot week niyan, hindi ko na halos mabitawan, ang ganda ng script, parang pelikula!

"Wala kang itatapon na character, na-distribute ng writers nang maganda, wala kang itatapon."

Magsisimula sa Lunes, September 10, sa GMA Afternoon Prime ang Ika-5 Utos sa direksyon ni Laurice Guillen. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN