Former sexy actress Klaudia Koronel admits divorce from Chinese-American businessman

IMAGE Rommel Gonzales

Former '90s sexy actress Klaudia Koronel reveals why her Chinese-American businessman husband insisted on divorcing her: "Alam mo kung bakit alam ko na dahil lang sa kayamanan? Kasi divorced na kami pero magkasama pa rin kami sa bahay. Di ba? Bakit hindi niya ako pinaalis? Bakit hindi niya ako pinalayas?"

 


Nasa Pilipinas muli ang dating sexy actress na si Klaudia Koronel.

Dumating siya sa bansa noong August 5 para asikasuhin ang pagbenta ng isa sa mga properties niya (isang condo unit sa The Fort) dahil naka-base na siya sa Los Angeles, California at nagtatrabaho bilang nursing assistant sa isang ospital.

Babalik siya sa U.S. sa October 5.

Pahayag niya, “Resident na ako dun, hindi ko na naasikaso yung mga property ko dito.”

Itinira naman daw niya ang iba pa niyang properties dito dahil nandito naman ang kanyang pamilya, tulad ng kanyang ina at anak.

Hindi raw totoo ang balitang naghihirap na siya.

Mabilis niyang tanggi, “Hindi, hindi naman totoo yun.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Klaudia nitong nakaraang Biyernes ng gabi, September 7, sa Music 21 Plaza sa Timog Avenue, Quezon City, ay nagbahagi siya ng mga malulungkot na kaganapan sa buhay niya simula noong magpakasal siya sa isang Chinese-American businessman noong August 28, 2009.

NO TO PRENUP AGREEMENT

Divorced na si Klaudia.

Lahad niya, “I think alam niyo naman yung sitwasyon nung kinasal ako na pinapipirma ako ng prenuptial agreement bago niya ako pakasalan.”

Hindi pumayag si Klaudia na pumirma.

“Naniwala ako na mahal niya ako, na nag-promise siya na forever, na iingatan niya ako, mamahalin niya ako.

“Pero dahil nga hindi ako pumirma dun sa prenuptial agreement, dahil bilang Pilipina, siyempre hindi ako naniniwala sa ganun.

“Thirty years old na ako nung nag-asawa ako, kasi gusto kong magkaroon ng asawa na responsible na aalagaan ako.

“Masyado akong mapili sa lalaking mamahalin ko,” pag-amin pa niya.

Kahit raw may mga nagsabi sa kanya na hindi karapatdapat ang napili niya ay hindi siya nakinig sa mga ito.

“Kasi mahal ko e,” pagtukoy ni Klaudia sa dati niyang mister.

“Ipinaglaban ko.

“Kahit sinabihan ako na, ‘Huwag yan, dapat kapananampalataya mo.'

“Ang sagot ko is mahal ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inuna ko ang pagmamahal ko sa taong… iniwan ko kayo, iniwan ko yung career ko, iniwan ko ang family, iniwan ko yung anak ko, dahil sa pagmamahal ko sa lalaki.”

Miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Klaudia, o Milfe Dacula sa tunay na buhay.

May anak si Klaudia sa isa niyang pakikipagrelasyon bago niya nakilala ang naturang Chinese-American businessman.

Saad niya, “Pero dahil pala sa hindi ko pagpirma ng prenuptial, naging lungkot pala sa sarili niya yun.

“Bakit ko alam? Kasi kahit nagbabakasyon kami, tulala siya.

“Hindi siya masaya, 'tapos lagi niyang sinasabi, ‘This is not enough, this is not enough.’

“Parang, mayabang man sabihin, ang laki-laki ng bahay namin, tatlo ang kotse namin, may business kami, marami kaming properties, but lagi niyang sinasabi, ‘This is not enough.’

“Parang hindi pa rin siya masaya. 'Tapos, konting problema lang, ‘I will divorce you!’

“Konting ano lang, tinatakot niya ako.”

NO THIRD PARTY

Wala raw third party na namagitan sa kanilang paghihiwalay.

Diin niya, “Mahal niya ako, mahal ko rin siya.

“Alam mo kung bakit ko alam na mahal niya ako?

“Kasi bago niya ako dinivorce, may sulat siya sa akin, nakalagay, ‘I still love you, mahal kita but I have to divorce you.’

“Alam ko naman na sa simula pa lang, sa prenuptial, sinabi niya sa akin, ‘Hanggang three years lang yung marriage natin.’

“Alam ko yun. Sa Amerika kasi pag five years na ang marriage ninyo makukuha mo yung kayamanan  ng asawa mo, half ng lahat ng kayamanan makukuha mo.

“Nakita ko na lang yun nung tumagal na, may sinusundan pala siyang legal na ano, at nakita ko naman yun noon pa.

“Hindi na ako umatras nun kasi naka-set na akong ikasal.

“At nung ikasal ako, hindi ako masaya.”

DIVORCE PAPERS

Sa divorce papers ay pumirma na siya dahil kung hindi ay wala raw siyang makukuha kahit ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Kung hindi ako nag-sign, talo ako.

“Wala akong makukuha kahit isa kapag hindi ako nag-sign.”

Nagpaalam rin daw siya sa INC dahil kung hindi siya nagpaalam ay matatanggal siya.

DEPRESSION

Umamin si Klaudia na dumaan siya sa depression.

Sabi niya, “Three years pa lang ako nun sa Amerika, feeling ko para akong baby na, ‘Paano kaya ako mabuhuhay mag-isa?’

“Dumaan ako sa ganun.

“And kaya nagpaalam ako [sa INC] na ito yung sitwasyon ko, idi-divorce ako na walang dahilan.

“Ang alam ko lang na nakikita ko, yung ayaw lang niya i-share ang kayamanan niya.”

SUICIDE ATTEMPTS

Umamin din si Klaudia na nagtangka siyang magpakamatay.

Uminom raw siya ng gamot na ginagamit sa mercy killing o euthanasia.

Kuwento niya, “Parang ayoko nang mabuhay, kasi pag ininom mo yun, unti-unti liliit ang puso mo.

“Unti-unti, mamamatay ka.

“Hindi lang yun. Nilalaslas ko rin ang sarili ko, para makita ng asawa ko, ‘Maawa ka sa akin!’

“'Tapos, niyayakap naman niya ako, sasabihin niya, ‘Why do you have to do that? Why do you have to be depressed? Nandito pa naman ako. This is just a piece of paper,’ sabi niya.

“Kasi nga ayokong makipaghiwalay, e paper nga lang daw yun.”

“Alam mo kung bakit alam ko na dahil lang sa kayamanan?

“Kasi divorced na kami pero magkasama pa rin kami sa bahay.

“Di ba? Bakit hindi niya ako pinaalis? Bakit hindi niya ako pinalayas?

“Di ba? Kung meron na siyang ibang babae dapat sana, ‘Umalis ka na!’

“Dinadala pa rin niya ako kahit sa ibang bansa.

“Kaso lang bilang babae naman, dinivorce mo na ako, bakit mo pa ako gagamitin?

“So umiwas na lang ako, naghahanap na ako ng ibang room.

“Respeto na lang sa sarili ko, kasi sinira mo na yung marriage natin tapos dito pa rin tayo sa isang bubong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang sa hindi pa rin ako pinapaalis, ang sakit lang na tinitingnan mo siya may kausap na siyang ibang babae. Masakit.

“Nagde-date na siya, nasa bahay pa rin ako, naghihintay pa rin ako sa kanya.

”Alam mo kung paano lang kami nahiwalay? Nakialam na yung nanay niya.

“Sabi ng nanay niya, ‘Divorced na kayo, bakit pa kayo magkasama sa isang bubong?’

“Dun lang siya natarantang hanapan ako ng ibang lugar kasi darating na yung nanay niya.”

2014 sila naghiwalay.

NO PHYSICAL ABUSE

Nilinaw ni Klaudia, never daw siyang inabuso physically ng dati niyang mister.

Paglinaw niya, “Ano lang, verbal abuse—yung panda-down, minamaliit yung pagkatao mo.”

At dahil hindi nga siya pumirma sa prenup ay nakakuha naman siya ng ilang properties mula sa dati niyang mister.

Pagpapasalamat niya, “Buti na lang hindi ako pumirma!

“Kasi ang sinabi lang niya sa akin, ang inaano lang niya sa akin, ‘Pag ang marriage natin’… nakita ko na kasi yung future ko, hindi ko alam bakit kasi nagpatuloy pa ako.'

“'One year ito lang makukuha mo, two years ito lang makukuha mo, three years ito lang makukuha mo.'”

May ganoon raw kundisyon ang dati niyang asawa.

Patuloy niya, “Buti nga hindi ako pumirma kasi ang matatanggap ko is pera lang.

“Properties at pera, alimony. Kung pumirma ako, alimony lang.”

Ibinenta raw niya ang ilan nilang conjugal properties na pinaghatian nila ang napagbentahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN