Ogie Alcasid answers netizen putting malice on his photo with ex-wife Michelle Van Eimeren

IMAGE Courtesy: @ogiealcasid on Instagram

Ogie Alcasid to netizen putting malice on his picture with ex-wife Michelle Van Eimeren: "Love is what keeps this world revolving and if we keep this in our hearts, it would be a better place. Try it Kapatid and all pain and anguish will be gone. God bless you."


Kasalukuyang nasa Australia ngayon ang singer-composer na si Ogie Alcasid kasama ang kanyang anak na si Leila para magbakasyon.

View this post on Instagram

#lipadnakami

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Sa post ng Kapamilya singer sa Instagram kahapon, September 7, makikita sa larawan na kasama nila ni Leila ang ex-wife ni Ogie na si Michelle Van Eimeren.

View this post on Instagram

Back in Sydney! @michellevaneimeren @leilalcasid

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Maraming netizens ang humanga kay Ogie dahil sa magandang relasyon nila ng dating asawa.

Hiwalay na sila Ogie at Michelle nang maraming taon ngunit napanatili nila ang kanilang magandang pagkakaibigan.

May dalawa silang anak, sina Leila at Sarah.

May kanya-kanya na rin silang pamilya.

Si Ogie ay kasal na sa Asia's Songbird na si Regine Velasquez, at meron na silang isang anak na lalaki, si Nathaniel James Alcasid, o Nate.

Si Michelle naman ay kasal na rin sa Australia sa asawa nitong si Mark Morrow.

Sa post na ito ni Ogie, may isang netizen na nagkomento na parang asiwa siya sa picture ni Ogie kasama ang kanyang ex-wife.

Sabi ng netizen na may handlename na @babesdelossantos, "Sorry guys ha, ngayon lang naman ako nag-comment ng ganyan, kung ano lang yong na feel ko nung makita ko yong pics, and I'm not againts sa kahit kanino sa kanila, pero pusong Pinoy talaga, e, sensitive sa ganyang situation.

"Sa ibang lahi maybe okay lang… but karamihan sa ating Pinoy may KIROT na kailangan itago na lang...

"Pasensya na yon lang talaga naramdaman ko para sa nasasaktan :( Ayoko ng makita pics nila. Hide ko na lang sya :(“

Sinagot naman ito ni Ogie. Sabi niya, "@babesdelossantos Love is word that only comes from above."

"Love is what keeps this world revolving and if we keep this in our hearts, it would be a better place.

"Try it Kapatid and all pain and anguish will be gone. God bless you.

Sagot naman ni @babesdelossantos, "Well kanya-kanyang acceptance lang yan… But 100% sure may nasasaktan deep inside and that’s a fact.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng singer-songwriter, "@babesdelossantos forgiveness is something we must learn."

"It is by the Grace of God that we learn this. God bless you."

ALLUDING TO REGINE?

Marahil, ang tinutukoy ng netizen na "nasasaktan deep inside" ay ang asawa ni Ogie na si Regine, kaya marami rin ang nangbash sa kanya.

Sagot niya sa bashers, “Maka-nega naman kayo.... Sige huwag tayong mag-plastikan dito, real talk lang...

"Puwede naman umupo sila ng anak niya magkatabi sa gitna ang anak...

"Respect the feelings... Okay na ako close topic na.... Move on???

"Insensitive kasi minsan ang tao, kasi masyadong comportable na... just saying...

"Wala akong pinagdadaanan... masaya buhay ko... masaya love life ko....

"Sensya na po freedom of speech meron naman tayo di ba?"

Ngunit mas marami pa ring humanga kina Michelle, Regine, at Ogie na maayos ang relasyon sa isa’t isa.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN