Meg Imperial admits cool-off stage with boyfriend; blames long-distance relationship

IMAGE Noel Orsal

Meg Imperial on status of relationship with current boyfriend: "We're now cool-off in a sense. Siguro kailangan mo ring ipa-realize doon sa tao na may nakakalimutan siyang gawin or responsibility sa relationship, like communication."


Ipinaliwanag ni Meg Imperial kung bakit “complicated” ang estado ng kanyang lovelife sa ngayon.

Inamin niya ito sa presscon proper ng pelikulang Abay Babes na pinagbibidahan niya kasama ang iba pang mga leads na sina Cristine Reyes, Kylie Versoza, Nathalie Hart at Roxanne Barcelo, sa direksyon ni Don Cuaresma at prinodyus ng Viva Films.

Paglilinaw ni Meg, “Kasi it’s a long-distance relationship and communication is really important, di ba?

“So, siya siguro, dahil super busy ang schedule niya doon, we lack communication.

“But he said naman he’s gonna make bawi pag-uwi dito.

“So sabi ko, steady muna tayo kung ganon.

“Right now, he’s in Dubai. Probably he will come back this September 26.

“But I’m not sure if he’s going back somewhere to Europe.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meg matapos ang presscon ng Abay Babes na ginanap kahapon, Sept. 6, sa Le Rêve Events Place, Quezon City.

BOYFRIEND'S JOB

Pagbibigay-detalye niya sa pinagkakaabalahan ng kanyang boyfriend, “He is a Filipino na medyo Portuguese but he is a citizen in Italy.”

“He’s now trying real estate. He came from this digital marketing company with Nico Bolzico.

“And now, he wants to try something else before jumping into his own business.

“So, sabi niya, 'Why not I’ll try this with a friend, itong real estate in Dubai.'

“If it doesn’t work out, he’ll come back and push na namin yung business namin together probably.”

COOL-OFF

Kahit aminado siyang may problema sila, idiniin naman niyang hindi pa naman sila hiwalay ng kanyang kasintahan.

Ayon pa kay Meg, “We’re now cool-off in a sense.

“Siguro kailangan mo ring ipa-realize doon sa tao na may nakakalimutan siyang gawin or responsibility sa relationship, like communication.”

Twenty-eight years old ang boyfriend ni Meg, samantalang 25 years old naman ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tanong kung gaano katagal na ang kanilang relasyon, sabi niya, “We’ve been dating for one year and officially eight months.”

OPTIMISTIC

Handa naman si Meg sa kung anong magiging kahihinatnan ng kanilang relasyon.

Sa ngayon, pinanghahawakan muna nito ang usapan nilang dalawa.

Aniya, “Ahm, ang deal namin, we never give up.

“We’ll keep trying to fix things kung kinakailangan, pag-uusapan at pag-uusapan namin.

“Pero kung hindi sya mag-work, siyempre nandoon yung thought na sayang.

“Nag-exert ka ng effort, nag-invest ka na ng time. Sayang.”

BOYFRIEND'S FAULT

Sa tanong kung ang pagkukulang ay nasa kasintahan niya, mabilis na sumagot ang aktres, “Yes, in-admit naman niya na kasalanan nya.

“He feels sorry for it at sabi niya sa akin, gagawin niya everything he could to make this relationship work again.”

Itinanggi ni Meg na ang showbiz career din niya ang naging problema sa kanilang relasyon.

“No, hindi naging problema,” giit nya.

“He’s very understanding. Ang problema lang talaga is the distance.

“Really, long-distance relationship is not for everyone.

“So, hindi ko siya forte kasi gusto ko, nakikita ko, nakakasama ko, yung communication.

“Specially now, I’m alone. My mom is in Bicol, my brother nasa school na rin.

“So, wala akong kasama at all. So, I need someone who’s gonna be there for me.”

Paano kung busy ka rin naman sa work?

“Well, no, not really kasi nagkikita pa rin naman kami kahit busy.

“Alam mo yun, kahit after work, I make sure na kahit thirty minutes magkita kami or we call each other.

“Ngayon lang kasi because nasa UAE siya, mahirap mag-video call.”

Hindi raw sila nagli-live in.

“Actually, no. Of course, in a relationship, you stay minsan sa place niya if malapit sa work mo
and he stays sometimes sa akin.

“Pero ngayon, he’s gonna stay sa akin until pagdating niya and go back sa Batangas, to his place.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT GIVING HER ALL FOR LOVE

Umayon si Meg sa obserbasyon namin na hindi siya masasaktan nang husto kapag naghiwalay sila ng kanyang boyfriend.

“Siguro from my past relationships, sobrang ibinigay ko everything na wala na akong itinitira for myself.

“But this time around... and I make sure na I let him know din naman na, 'Eto, magtitira ako ng love for myself even if hindi tayo mag-work.'

“'Hindi masisira yung buhay ko just because you’re gone.'”

Tiniyak ni Meg na hindi siya makakaramdam ng depression.

Pag-amin niya, “Yes, yes, I’m trying to avoid that thing.

“Kasi hindi sya healthy for me at hindi siya healthy for my family as well.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN