Vin Abrenica admits he initiated reconciliation with Sophie Albert

IMAGE @itssophiealbert Instagram

Vin Abrenica recalls breaking up with Sophie Albert in 2016: "Iniisip ko na I'm pulling her down, baka dahil sa akin kaya hindi siya nakakapag-concentrate. So ako, inisip ko na baka ito ang magandang gawin. So it was my fault."


Inamin ni Vin Abrenica na "going five years" na sila ng girlfriend niyang si Sophie Albert.

Pero naghiwalay daw sila noong 2016 dahil sa kagustuhan ni Vin na mag-focus muna sila sa kani-kanilang showbiz career.

Paliwanag ni Vin, “May mga misunderstandings. Nag-focus lang kami sa career and we thought it was right and it’s not.

"Actually, nanggaling yung idea na yun sa akin. Iniisip ko na I’m pulling her down, baka dahil sa akin kaya hindi siya nakakapag-concentrate.

"So ako, inisip ko na baka ito ang magandang gawin. So it was my fault."

Matatandaang September 2016 nang kumpirmahin ni Sophie na "mutual" ang desisyon nila ni Vin na maghiwalay at nanatili silang mabuting magkaibigan.

Sa hiwalay na panayam kay Vin noon ay sinabi rin nitong walang “third party” sa kanilang hiwalayan at nais lang nilang mag-fokus sa kanilang individual growth.

Bandang February 2018 nang isapubliko nila ang sweet photos ng kanilang pagbabakasyon sa Bali, Indonesia.

Hindi binanggit ni Vin kung kailan sila eksaktong nagkabalikan ni Sophie.

Pero siya raw ang nag-initiate na maging sila ulit.

Pag-amin ni Vin, "Sabi ko, 'Okey lang ba ulit?"

Sabay iminuwestra ni Vin ang "ako" at "ikaw" at korteng puso upang tukuyin na gusto niyang maging sila ulit ni Sophie.

Tinanggap ba siya ni Sophie?

Sagot ni Vin, "Buong-buo."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin sa PEP.ph Live shoot sa PEP.ph headquarters sa Mandaluyong City noong September 3.

JEALOUS BOYFRIEND

Dito rin inamin ni Vin na iniyakan niya ang pakikipag-kissing scene ni Sophie kay Edgar Allan Guzman o EA sa teleseryeng Never Say Goodbye ng TV5 noong 2013.

Baguhang artista pa lang noon sina Vin at Sopie, na parehong produkto ng TV5 reality show na Artista Academy noong 2012.

Balik-tanaw ni Vin, "First ever soap before, kahit every day kami magkasama, ang sakit pag kini-kissing scene yung girlfriend mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung eksena pa, siya yung magse-seduce sa lalaki. Si EA yun!

"Akala nila nun, natutulog lang ako sa kama. Hindi nila alam nakakumot lang ako, umiiyak ako."

Dagdag pa raw dito ang kaalamang hindi sanay si Sophie sa paggawa ng kissing scene.

"Si Sophie mahinhin yun! Makikita mo hahalikan niya, parang, 'Aray!'"

Sa kabila noon ay alam ni Vin na trabaho lang at walang personalan iyon kay EA.

Ani Vin, "Pero wala yun. Magtro-tropa kami."

PROUD OF SOPHIE

Doon aw napagtanto ni Vin na totohanan ang pagkagusto niya kay Sophie dahil nakakaramdam siya ng selos kahit na hindi pa sila.

Pero ngayong anim na taon na sila sa showbiz, hindi na raw isyu sa kanila ang pagkakaroon nila ng kissing scenes sa trabaho.

"Wala na, sanay na sanay na. We don’t even tell now kung may kissing scene ako. 'A, ok.' Ganun lang."

Hindi rin daw isyu sa kanila na magkaiba sila ng TV network—si Vin ay sa ABS-CBN at si Sophie ay nasa GMA-7.

Excited pa nga raw si Vin—na muntik pang madulas kung anong kasunod na proyekto ni Sophie sa GMA-7 ngayon.

Sabi na lang ni Vin, "I’m so proud of her!"


Stories We Are Tracking

Vin Abrenica and Sophie Albert back together?
Vin Abrenica and Sophie Albert back together?
Vin on good terms with ex-gf Sophie after mutual breakup
Vin on good terms with ex-gf Sophie after mutual breakup
Sophie Albert confirms breakup with Vin Abrenica
Sophie Albert confirms breakup with Vin Abrenica


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN