Kelsey Merritt responds to netizens' claim she doesn't look Filipino

IMAGE @kelseymerritt on Instagram

Kelsey Merritt defends herself from netizens who argue that she is not the proper Filipino representation after it was announced that she made it to the Victoria's Secret Fashion Show 2018. She says, "Mas Pinoy pa dugo ko kesa sa mga 'pure' na hindi pa nakatapak sa Pilipinas."


Dinepensahan ng Filipino-American model na si Kelsey Merritt ang sarili matapos punahin ng ilang Pinoy netizens ang kanyang hitsura.

Ito ay kaugnay ng balitang pasok siya bilang isa sa mga modelo sa Victoria’s Secret Fashion Show 2018.

Noong 2016 ay na-feature si Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon sa isang Victoria's Secret campaign commercial, subalit hindi niya nagawang mapabilang sa Victoria's Secret Fashion Show.

Si Kelsey, 21, ang kauna-unahang Pinay na rarampa sa prestigious fashion show.

Bagamat malaking karangalan ang pagpasok ni Kelsey sa Victoria's Secret Fashion Show, may ilan pa ring Pinoy na disappointed dito.

Sa Twitter, may mga netizen na nagsasabing hindi raw mukhang Filipina si Kelsey.

Gusto raw nilang makakita ng modelo na hitsura at kulay ng tunay na Filipino.




KELSEY DEFENDS HERSELF

Sumagot si Kelsey sa mga ito para ipagtanggol ang sarili.

Ayon sa modelo, ipinanganak at lumaki siya sa Pilipinas.

Kahit hindi man siya purong Pinoy, mas Pilipino pa raw siya sa mga “pure” Pinoy pero hindi pa nakakatapak sa Pilipinas.

Buong tweet ng modelo: "Pinanganak ako sa Pilipinas at lumako ako sa Pampangan. Tinapos ang pag-aaral ko sa Manila bago ako lumipat sa US last year.

"Mas Pinoy pa dugo ko kesa sa mga 'pure' na hindi pa nakatapak sa Pilipinas.

"I love my country and I’m proud where I came from."

Sunud-sunod din ang pagtatanggol ng mga tagasuporta ni Kelsey.

 

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN