Former sexy star Klaudia Koronel reveals struggle with depression, faith in God

IMAGE Rommel Gonzales

Former sexy star Klaudia Koronel considers 2014 as the darkest moment of her life. She says, "Yung 2014 na yun, sobra-sobrang dumaan ako sa depression. Kasi dalawang lalaki ang nawala sa buhay ko." Klaudia's husband divorced her and it was also the year that her father died.  


Ipinagpapasalamat ng dating aktres na si Klaudia Koronel na hindi sila nagkaanak ng dati niyang mister na Chinese-American businessman.

Ikinasal sila noong August 28, 2009 ngunit naghiwalay sila noong 2014.

Saad niya, "Buti na lang, buti na lang.

"Tsaka alam ko talaga na, in the middle ng marriage namin, ayaw niyang magkaanak.|

“Kasi sabi ko, ‘Patingin tayo.’

“Kasi alam ko, may edad na ako, pero hindi niya inaasikaso.

“Ayaw niyang magkaanak kasi parang responsibilidad daw daw yun.”

Apat na taon na mula nang maghiwalay sila, pero pareho pa rin silang walang sariling pamilya ngayon.

Lahad ni Klaudia, “Date-date lang. Nakikita ko lang.

“Kasi nun talagang mag-boyfriend kami, ayaw niyang magpakasal, kasi iniisip niya ang kayamanan niya.

“Nagkataon lang na mahal niya ako.

“Kasi nung nakikita niyang umiiwas na ako, ayaw niya akong mawala.

“Umiwas na ako, e, nung nag-propose siya sa akin ng marriage, kasi ayokong magpakasal.

“Kasi bakit ka pa magpapakasal kung parang wala ka naman palang tiwala sa akin?”

Hindi pumirma si Klaudia sa prenuptial agreement.

“Pinatunayan ko yun, nung mag-divorce kami, ibinigay ko lahat sa kanya ng kayamanan niya, hindi na ako lumaban sa court."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Klaudia sa Music 21 Plaza sa Timog Avenue, Quezon City, nitong Biyernes ng gabi, September 7.

KLAUDIA'S DEPRESSION

Dumaan daw sa depression si Klaudia habang hinihintay maaprubahan ang divorce papers nila ng dating asawa.

Ayon sa dating sexy star, “Kung bakit din ako dumaan sa depression, kasi nung July 2014 na na-grant ang divorce namin, iyon din yung buwan at taon na namatay ang father ko.

“Yung nakikiusap ako sa kanyang, 'Pauwiin mo ako kasi gusto kong abutang buhay ang father ko, naghihingalo na siya,' ayaw niya akong payagan.

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Darating din ang time maiintindihan mo rin kung bakit gusto kong umuwi.’

“Ayaw niya akong payagan. ‘Padalhan mo na lang ng pera,’ sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pilit kong hinahabol na maabutan ko yung father ko na naghihingalo e, nasa province namin.

“Dine-delay-delay niya ako dahil iniisip niya, ‘Kailangan mong bantayan ang business, e.’

“Sabi ko, wala akong pakialam sa business, kailangan kong dalawin… yung parang nag-aalaga ka ng matanda ‘tapos yung father mo naghihingalo, di ba?”

May adult care home business si Klaudia at ang mister niya noong mga panahong iyon.

Patuloy niya, “Bakit mo pa iintindihin yung matatanda sa Amerika ‘tapos sarili mong… ang tatay ko naghihingalo?

“Umiiyak ako, sabi ko, 'Pauwiin mo na ako...' in the middle of our divorce.

“Kasi ang iniisip niya, yung divorce papers niya kailangan tapusin namin...

"Sabi ko, 'Maiintindihan mo kung bakit iiwan ko yung business ko para lang masagip ang tatay ko.'

“Kasi alam ko na e, kung paano ko aalagaan ang tatay ko.

“Tsaka niya lang ako pinayagan, paalis na ako, nung nasa LA [Los Angeles] ako, naka-receive na ako ng message mula sa mama ko, na yung father ko patay na.

“Pinayagan niya ako pero… paglipad ko mismo, Arizona to LA, LA na-receive ko, patay na ang father ko.

“'Tapos after a week, ayoko lang magsalita na sinumpa ko siya [her ex-husband]... after a week, nagka-cancer yung father niya.

"Two weeks lang, namatay yung father niya.

“Yung 2014 na yun, sobra-sobrang dumaan ako sa depression. Kasi dalawang lalaki ang nawala sa buhay ko.”

Diniborsiyo siya ng asawa niya at pumanaw ang kanyang ama.

“Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay sa Amerika, na wala ang asawa ko, wala na ang father ko.”

QUESTIONING GOD

Dahil sa pangyayaring iyon ay inamin ni Klaudia na nagalit siya sa Diyos.

Saad niya, “Nung na-receive ko yung divorce papers ko, sa care home ko mismo, nung na-receive ko yung divorce paper ko, lumabas ako ng care home, sa kalye, lumubod ako sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tumingin ako sa itaas, 'Pinaglalaruan Niyo ba ako? Bakit Niyo ako pinaglalaruan, ang buhay ko?' sabi ko.

“Parang, 'Pinaglalaruan Niyo ang buhay ko mula nung bata ako. Mahirap ako, ganyan, 'tapos binigyan Mo ako ng father na nananakit.

"'Tapos nakaligtas na ako sa father ko, nagtrabaho ako kung saan-saan, hindi ako nakatapos ng pag-aaral, nagtrabaho ako kung saan-saan.

"'Tapos pinaganda Mo ang buhay ko, 'tapos pinaranas Mo ngayon, dinala Mo ako sa Amerika, 'tapos kinuha Mo naman yung asawa  ko.'

"'Ano ang gusto Mong gawin sa buhay ko?'

“Ganun ako, nakaluhod ako, galit ako sa Kanya, galit, as in galit.

“Parang hindi ko na-appreciate yung buhay na... yung ibang tao nangangarap [pumunta] sa Amerika, hindi ko na-appreciate nung dinivorce ako ng asawa ko.

“Lumuhod ako, na nagagalit ako sa Kanya, sabi ko, ‘Pinaglalaruan Mo ang buhay ko.'

“Galit ako, parang, ‘Patayin mo na lang’… iyon ang sabi ko nung time na yun, ‘Patayin mo na lang kaya ako? Kasi napapagod na ako sa mga trials na bibinigay Mo sa akin.’

“Parang, 'Naging mabuti naman ako, inayos ko naman ang buhay ko... tumulong ako sa pamilya ko, nagmahal naman ako, naging mabait naman ako, bakit parang pinaglalaruan Mo ako?

“'Anong plano Mo sa akin? Sa tingin Mo ba, ma-appreciate ko ang Amerika?"

Patuloy ni Klaudia, “Hindi ko na-appreciate na masaya ang buhay sa Amerika.

“Hindi ko talaga nakikita na maganda ang Amerika, madilim, madilim ang buhay ko nun, madilim talaga.

"Hindi ko naisip na suwerte ako, na nakarating ako ng Amerika… madilim talaga.

“'Tapos hangang dumating ang point na bumiyahe ako sa Las Vegas, parang gusto kong magwala, gusto ko yung mga ginagawa ko dati, yung mga paseksi."

KEEPING THE FAITH

Ngunit sa huli ay napagtanto raw ni Klaudia na hindi siya dapat sumuko sa mga hamon ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Na-realize ko yung sinabi sa akin ng leader ng Iglesia nung kinausap niya ako, si Ka Eraño Manalo.

"Kinausap niya ako na, 'Kahit anong trials ang mangyari sa future, huwag kang kakaliwa, huwag kang kakanan, huwag kang babalik sa dati,' sabi niya sa akin.

“'Iwasan mong makasakit ka ng kapatid mo sa Iglesia,' ganun, ‘Iwasan mo.’

“Iyon ang words na pumasok sa isip ko, na hindi na lang ako magtatrabaho ng madaling trabaho, hindi na bale na lang mahirap na trabaho.

"Kaya bumalik ako sa Arizona. Bumalik ako sa mahirap na trabaho."

Nagtrabaho pa raw siya sa mga factory noong panahon na iyon.

Ibinigay naman daw sa kanya ng dating mister ang kanilang negosyong carehome o ospital ng matatanda

“Conjugal din yun, ibinigay niya iyon sa akin.

"Mabait pa rin naman siya sa akin, sabi niya, ‘Kung gusto mong mag-survive, mag-business ka.’ Ibinigay niya.

"Ang asawa ko, wala namang problema sa pera dun, e. Ibinibigay niya ang kailangan kung gusto mo.”

Pero ibinenta rin ni Klaudia ang carehome.

Paliwanag niya, “Na-depress na ako, lahat na lang ng kausap kong nurse, lahat na lang ng kausap kong doctors, umiiyak ako.

"Yung hindi na normal ang pagkatao ko. Yung magtatanong ako sa nurse, sa doctor, ‘Divorce ho ba kayo?’ Naging ganun ako.

“Tapos, ‘Ano po ang gagawin kapag divorced ka?’ 'Tapos iiyak na naman ako.”

Nawala ang galit ni Klaudia sa Diyos at bumalik sa normal ang buhay niya nang ma-realize niyang may pamilya, mga kaibigan, at mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo (INC) na nagmamahal sa kanya.

Last year, 2017 lang daw siya muling naging masaya.

Inaayos niya ang citizenship niya sa Amerika; greencard holder ang dati niyang asawa.

Nami-miss daw ni Klaudia ang buhay-showbiz dito sa Pilipinas, pero maayos naman ang buhay niya sa Los Angeles bilang certified nursing assistant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas din siya sa pagbabalik-showbiz pero bilang sideline na lamang; sa Amerika siya mas magbe-base ngayon.

Isa pang pagsubok sa buhay ni Klaudia ay ang pagkakaroon ng cyst sa uterus.

Aniya, “Hindi pa siya talaga okay, bago ako umalis dito sa Pilipinas [October 5], dito magpapa-MRI ako, at saka pagbalik ko, magpapa-schedule ako ng operation.”

Hindi naman daw cancerous o malignant ang cyst niya, pero malaki ito—11 centimeters.

Samantala, wala na raw balak muling mag-asawa si Klaudia dahil bawal sa kanila sa INC ang mag-asawa ng dalawang beses kahit divorced na.

Puwede lamang daw iyon kung namatay ang isa sa mag-asawa.


Stories We Are Tracking

Klaudia Koronel admits divorce from Chinese-American hubby
Klaudia Koronel admits divorce from Chinese-American hubby


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN