Kylie Verzosa sexy video catches attention of netizens, Miss International Organization

IMAGE Noel Orsal

Kylie Verzosa happy to be deglamorized as a nun in her new movie, Abay Babes: "Hey, this is a new testing… "


Iba’t ibang reaksiyon ang natanggap ni Miss International 2016 Kylie Verzosa sa kanyang super-hot sexy video na ipinost niya noong nakaraang buwan.

Nakasuot ng two-piece bikini si Kylie sa video at paikut-ikot na pumu-posing sa harap ng isang salamin na para bang sinisipat ang kanyang balinkinitang katawan.

View this post on Instagram

Impromptu visit with @boomsason ????

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa) on

Nakangiting komento ng beauty queen-actress, "Wow! Thank you na lang.

"Siguro ipinaglaban ko rin yung taking care of my self more, gym...

"May good and bad. Good, 'Wow, ang ganda ng katawan!'

"Bad, siguro, 'I saw you, hindi mo naman kailangan yung skin to be respected, ganyan.'"

Pero ang pinakamatindi ay nag-react mismo ang Miss International Organization.

Kuwento ng 26-year-old Viva contract star, "When I posted the swimsuit bikini, nag-comment ang Miss International, 'That’s why you’re Miss International.'

"O, di ba, supportive ang Miss International. Thank you so much, I love you, guys."

Proud nga raw si Kylie sa resulta ng kanyang workouts.

"Siguro, I lost 10 to 15 pounds in the past year."

Hindi hamak na mas marami ang numero ng mga kalalakihang humahanga sa kanyang kaseksihan sa video na yun.

Saad ni Kylie na halos hindi makapaniwala, "Oh my God! Talaga ba? Ha! Ha! Ha!"

May nag-propose ba sa kanya o nagparamdam ng indecent proposal?

Aniya, "Naku, di ko na yun pinapansin. For me, wala talaga."

Ano naman ang nasabi ng kanyang non-showbiz boyfriend tungkol sa video?

"Supportive siya sa akin, e, parang, 'Akin ka naman.'

"Proud siya, super-supportive. Yun ang gusto ko sa kaniya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa grand presscon ng pelikulang Abay Babes ng Viva Films na ginanap sa Le Reve Events Place, sa Quezon City, noong September 6.

PLAYING A NUN

Isang madre ang role ni Kylie sa Abay Babes. Bakit napunta sa kanya ang ganitong role?

Paliwanag niya, “Ako kasi, since galing ako sa beauty pageant, karamihan ng roles na ibinibigay sa akin ay laging maganda, strong woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito, may gigil ako. Hindi siya pakabog so very deglamorized in everything, very bare.

"Not only physically, but also parang medyo malayo dun sa personality ko.

"When I got this movie, dahil isa akong madre, parang, 'Hey, this is a new testing…'

"Happy naman ako sa mga role ko ngayon."

Excited na nga raw siya mapanood ang full-length movie na idinirek ni Don Cuaresma na shinoot pa nila sa Albay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN