Miss Universe 1995 Chelsi Smith dies at 45

IMAGE Photo grabbed from You Tube / @thesushmitasen on Twitter

Former Miss Universe Chelsi Smith passed away this weekend due to liver cancer, reports say. Chelsi won Miss Universe in 1995 and gave USA its first Miss Universe crown after 15 years. 


Pumanaw na si Miss Universe 1995 Chelsi Smith.

Ayon sa mga ulat, liver cancer ang dahilan ng pagkamatay ng American beauty queen nitong September 8, Sabado (US time).

Siya ay 45 years old.

Si Chelsi ang kauna-unahang biracial na nanalo bilang Miss Texas noong 1994.

Sumali at nanalo siya sa Miss USA pageant noong 1995.

Siya ang naging kinatawan ng USA sa Miss Universe 1995 na ginanap sa Namibia.

Dahil kay Chelsi, nakuha muli ng USA ang Miss Universe crown pagkatapos ng 15 taon.

Ang kinatawan ng Pilipinas noon ay ang dating aktres na si Joanne Quintas.

Sa question-and-answer portion ng Miss Universe 1995, ito ang tanong sa finalists: “If you had the power to do anything you wish to improve the status of women in your country what would you do?”

Ito naman ang winning answer ni Chelsi:

“Well, actually, I think they have come a long way, so far.

"I do wish that people would look at women as just as they look at all men, to say equal in power.

"I know a lot of women that can do anything they choose and I am one of those women and there are 80 of these women that are here today.

"So, I think that are women are doing very well, but I’d like to see people treat them as they should."

FAREWELL TO A QUEEN

Nagpahayag naman ng pakikiramay ang fellow former Miss Universe titleholders ni Chelsi, kagaya ng predecessor ni Chelsi  na si Sushmita Ssen ng India (Miss Universe 1994) at successor niyang si Alicia Machado ng Venezuela (Miss Universe 1996).

Tweet ni Sushmita, “Loved her smile & that generous spirit!!! Rest in peace my beautiful friend @Chelsi_Smith #MissUniverse1995 Dugga Dugga.”

Nagpahayag naman ng pagkalungkot si Alicia sa pagpanaw ni Chelsi via Facebook. 

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN