Bianca Gonzalez defends Kelsey Merritt from criticisms she is not Pinay-looking enough

IMAGE @iamsuperbianca and @kelseymerritt on Instagram

ABS-CBN host Bianca Gonzalez takes to Twitter to defend Kelsey Merritt, who is being criticized by some netizens, saying her looks is not the "proper Filipino representation." The Fil-Am model was chosen to be one of the models in the famous Victoria's Secret Fashion Show. 


Mukhang tanggap na ng Filipino-American model na si Kelsey Merritt na hindi lahat ng Pinoy ay magiging masaya sa pagkakapili sa kanya para rumampa sa sikat na Victoria’s Secret Fashion Show.

Si Kelsey, 21, ang kauna-unahang Pilipina na rarampa sa tanyag na annual international fashion show. 

Pero marami rin ang pumuna at nagsabing hindi “proper Filipino representation” si Kelsey dahil sa Caucasian/European look nito.

Sumagot si Kelsey at sinabing siya ay isinilang at lumaki sa Pilipinas. 


Stories We Are Tracking

Kelsey Merritt responds to claims she doesn't look Filipino
Kelsey Merritt responds to claims she doesn't look Filipino

Kaugnay nito, nag-tweet ang ABS-CBN host na si Bianca Gonzalez noong Lunes, September 10, upang ipagtanggol si Kelsey, 21, sa mga basher.

Nagtataka raw siya kung bakit may hate comments pa rin sa tagumpay ni Kelsey.

“Wild.. are there really hate tweets towards proud Pinay Kelsey Merritt for not being 'Pinay-looking enough' to 'represent' Filipinos at the anticipated Victoria's Secret Fashion Show? Talaga, pati yun iba-bash?”

Ni-retweet pa ni Bianca ang mensahe ng isang netizen na nagsabing halos ipagsigawan ng mga Pilipino kapag may Filipino-American actor na sumisikat sa Hollywood pero hindi ibinabandera ang pagka-Pilipino.

Pero hinahanapan ngayon ng kritisismo si Kelsey na ipinagsisigawang isa siyang Pilipino.

Sagot ni Kelsey sa tweet ni Bianca: “U can never win,” na tila pagtanggap ng modelo na hindi lahat ay magiging masaya sa kanyang tagumpay.

Sa kabila nito, marami pa rin ang bumati kay Kelsey, kabilang na ang celebrities na sina Iza Calzado, Kim Jones, Charlene Gonzalez-Muhlach, ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico, Coleen Garcia, Sofia Andres, Georgina Wilson, Ylona Garcia, Rachelle Ann Go, Sarah Lahbati, Mari Jasmine, at Yeng Constantino.

Sunud-sunod din ang pag-retweet ni Kelsey ng features sa kanya ng international media, kagaya ng Teen Vogue, Fashionista.com, at Insider.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN