John Lloyd Cruz, Ellen Adarna back to party mode

IMAGE Courtesy: @maria.elena.adarna / @vitoselma / @ellen_johnlloyd on Instagram

Celebrity couple John Lloyd Cruz and Ellen Adarna spotted enjoying a party last weekend.


Muling nasilayan ng publiko ang celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ilang buwan pagkatapos isilang ng sexy star ang anak nila ng aktor noong June 27.

Magkasama ang dalawa na dumalo sa isang party noong Sabado, September 8.

Ilang larawan ang nai-post sa Instagram account ng isang "@ellen_johnlloyd" kung saan makikita sina John Lloyd at Ellen na ini-enjoy ang party.

Ayon naman sa nag-upload ng picture sa kanyang Instagram Stories na si Vito Selma, “Thank you for last night @dumpsitegallery.”

Ellen Adarna (rightmost) with friends.
 IMAGE Courtesy: @ellen_johnlloyd on Instagram
Ellen Adarna with partner John Lloyd Cruz.
 IMAGE Courtesy: @vitoselma / @ellen_johnlloyd on Instagram

Ang account na @dumpsitegallery ay ang dating @ekomsi na pagmamay-ari ni John Lloyd.

BABY PHOTO

Samantala, usap-usapan naman ngayon ang video na naka-post sa @dumpsitegallery kahapon, September 10.

Makikita rito ang mukha ng isang sanggol.

Walang inilagay na caption o hashtags si John Lloyd sa post niyang ito.

Ilang netizens ang nagtatanong kung ang sanggol na nasa video ang anak ng aktor at ni Ellen.

View this post on Instagram

A post shared by idan cruz,manila ph (@dumpsitegallery) on


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN