Makati Congressman Monsour del Rosario reacts to ex-girlfriend Agot Isidro being a Duterte critic

IMAGE Monsour del Rosario Facebook

Makati City First District Representative Monsour del Rosario talks about possibility to run for a higher public position.


May posibilidad daw na tumakbo sa Senado si Makati City First District Representative Monsour del Rosario, sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP Laban.

Bago naging kongresista ay naging konsehal muna ang aktor noong 2010.

"Well, I’m waiting [until] September 25 or September 20, I think.

"PDP Laban and Malacañang will officially announce who their candidates for the Senate.

"I’m being considered in the long list, I don’t know if I’m in the short list.

"But if I don’t get chosen as one of the candidates of Malacañang, I’ll still run as congressman of Makati."

May dalawang termino pa siya para tumakbo bilang congressman at hindi naman daw siya nagmamadaling maging senador.

Pero ayon pa rin kay Monsour, "If our President needs me to serve the country through him and PDP needs me, I will sacrifice my being a congressman to run in Senate slate and we’ll see what happens, if I’ll make it or I don’t make it.

"Hindi ako nagmamadali, pero sino ako para tumanggi sa President natin?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Monsour sa presscon ng comeback movie niyang The Trigonal sa Max’s Restaurant noong September 7.

MONSOUR'S EX-GIRLFRIEND

Nangiti naman si Monsour nang sabihin dito na kung sakaling matutuloy siyang tumakbo sa ilalim ng PDP-Laban, ang ex-girlfriend niyang si Agot Isidro ay napipisil namang tumakbong senador sa ilalim ng Liberal Party.

Kapag nagkataon, magiging magkatunggali sila.

“Okay lang,” sabi naman niya. 

“But knowing Agot, I don’t think she will accept because, as far as I know, she doesn’t want politics.

"As I know of her, twenty years ago."

Wala raw silang komunikasyon ni Agot dahil marami rin siyang pinagkakaabalahan. Pero kaibigan daw niya ito sa Facebook, gayundin ang mga kapatid ng actress-singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Agot ay kilala bilang kritiko ng kasalukuyang administrasyon, samantalang si Monsour at tagasuporta naman at kabilang pa nga sa partido ni President Rodrigo Duterte.

Ano ang masasabi ni Monsour na magkaiba sila ng paniniwala ng dating kasintahan?

Saad niya, "Okay lang, hindi naman kami nagkakausap. Hindi kami nagkikita.

"Happy lang ako na nag-move on siya sa buhay niya after na mag-separate siya sa asawa niya."

Kapag nababasa niya ang magkasalungat nilang paniniwala, lalo na sa Presidente ng bansa, anong reaksiyon niya?

“Okay lang, personal opinion niya iyan and I respect that.

"For as long as you respect me, walang pilitan. 

"I don’t force you, you don’t force me, we won’t fight."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN