Heart Evangelista postpones baby plans after suffering miscarriage

IMAGE Heart Evangelista Instagram

Kapuso actress Heart Evangelista reveals in a Q and A that she has no plans of getting pregnant again anytime soon. Heart suffered a miscarriage a few months ago after announcing last May that she was pregnant with twins. 


Wala pang balak magbuntis ulit si Heart Evangelista matapos siyang makunan sa kambal sana nilang anak ni Senator Chiz Escudero.

Ito ang ipinahayag ng 33-year-old Kapuso actress sa ginawa niyang question-and-answer (Q and A) session via Instagram Stories.

Sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung kailan siya babalik sa pag-arte.

Ayon kay Heart, "Because of the recent happenings in my life it will take some time for me to get pregnant again so I’ve decided to work on something very soon before taking another break."

Inanunsiyo ni Heart na ipinagbubuntis niya ang kambal nila ni Senator Chiz noong May 12.

Pagkalipas ng isang linggo, ibinalita ng aktres via Instagram na hindi nag-survive ang isa sa kambal.

Pagsapit ng June, malungkot na ipinaalam ni Heart na nalaglag na rin ang isa pa sa kambal.


Stories We Are Tracking

Heart Evangelista continues to move on from her miscarriage
Heart Evangelista continues to move on from her miscarriage
Heart Evangelista slowly moves on after miscarriage
Heart Evangelista slowly moves on after miscarriage

TO LIVE A HAPPY LIFE

Nagbigay rin ng payo ang Kapuso star sa isang netizen na nagtanong kung paano mabuhay nang masaya dahil depressed daw ito.

Sagot ni Heart, "I’ve had my fair share of times I thought I would never get out of… but everyday you wake up is another chance to reach for our dreams!!

"Get up and stand up! The world is yours and it’s waiting for you! Believe meeee!! Don’t waste more time."

MONEY MATTERS

Sinagot din ni Heart ang tanong kung paano siya nakakaipon at makuha rin ang kanyang mga luho.

Aniya, "I have a genius for a husband so he helps me manage my finances and we set a budget every year according to how much I will be making."

Ibinahagi rin ni Heart na gumagawa sila ng YouTube video ni Senator Chiz para ibahagi ang mga paraan sa pag-iipon.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN