Idinaan ni Pokwang sa Twitter ang kanyang pagkadismaya sa Meralco dahil sa pagputol ng linya ng kanilang kuryente.
Sabi niya sa kanyang rant sa Twitter ngayong Huwebes, September 13, "Hellleeerrr @meralco ang lupit nyo naman na late lang ng ilang araw dahil sa sobrang busy sa work di agad naasikaso ang bill na kayang kaya ko naman bayaran hello???
"Putol agad kung kelan nabayaran na after 1 hour??? Walang pinagkaiba sa buwitre mga letse kayo!"
Hellleeerrr @meralco ang lupit nyo naman na late lang ng ilang araw dahil sa sobrang busy sa work di agad naasikaso ang bill na kayang kaya konnman bayaran hello??? putol agad kung kelan nabayaran na after 1 hour??? walang pinag kaiba sa buwitre mga letse kayo!
— marietta subong (@pokwang27) September 13, 2018
May isa namang nagkomento sa post ni Pokwang na kanyang sinagot.
Ayon kay @jahanaarah_20, "Wala talagang kaunting konsederasyon ang @meralco?"
Pagsang-ayon ng Kapamilya comedienne, "Totoooo uhaw sa bayad??? Walang konsiderasyon???"
Totoooo uhaw sa bayad??? Walang konsiderasyon??? https://t.co/TIbS4E6nUJ
— marietta subong (@pokwang27) September 13, 2018
Kapansin-pansin namang hindi nag-reply ang Twitter account ng Meralco sa hinaing ni Pokwang, bagamat aktibo itong sumasagot sa tweets ng ibang customers nito.
Isang netizen ang nag-reply kay Pokwang at sinabing maraming gumagamit ng jumper at mayroong illegal connections, ngunit ang mga nagbabayad ng bill ang ginigipit diumano ng Meralco.
Dito nag-reply ang Twitter account ng electric company.
Thanks for bringing this to our attention. Pakibigay ang kumpletong pangalan ng violator/s, eksaktong address, pinakamalapit na palatandaan sa lugar at oras ng pag-i-illegal para magawan namin ito ng report. Thank you.
— MERALCO (@meralco) September 13, 2018
