Agot Isidro shuts down basher over her alleged tweet on 1 kilo of rice

IMAGE Noel Orsal

Agot Isidro to basher who reposted a fake tweet: "Kuya, wag masyadong nagpapaniwala sa mga nababasa. Na-#FakeNews ka, kuya."


Inalmahan ni Agot Isidro ang pagkalat ng isang tweet na nanggaling diumano sa kanya.

Ayon sa isang netizen, nag-post daw ng ganitong mensahe ang actress-singer sa Twitter noong August 31: "Sa mahal ng bilihin konti nalang isang kilong bigas."

Kalakip nito ang komento ng netizen sa wikang Bisaya:  "Oi mga LP, naa ra inyo idol, mas daghan ang 1kg bugas sa una kesa sa 1kg na rice karon… Kung kini modaog senador, mas daghan na cguro ang sulod sa 1kg rice hehe. Utak LP, 40x4=1600…"

("Uy, mga LP, ayan ang idol niyo, mas marami daw ang isang kilong bigas noon kaysa isang kilong bigas ngayon. Kung ito ay mananalong senador, mas dadami na siguro ang laman ng isang kilong bigas hehe. Utak LP, 40x4=1600…")

Ibig sabihin, kahit magtaas man ng presyo ang bigas ay pareho pa rin ang dami o timbang ng isang kilong bigas.

Ibinahagi naman ito ng isa pang netizen sa Twitter.

Mensahe ng netizen kanyang tweet, “Kandidato ng LP ang utak nasa bunbonan tanga nlng ang bobo..to sayo Konti nlng daw ang 1kilong bigas talino mo te hayop ka.”

Nakarating kay Agot ang mensaheng ito ng basher.

Ayon sa Kapamilya singer-actress, "fake news" ang nasabing tweet diumano niya.

Sabi pa ni Agot sa basher, "Kuya, wag masyadong nagpapaniwala sa mga nababasa. Na- #FakeNews ka, kuya."

Si Agot ay isa sa mga pinagpipiliang personalidad ng Liberal Party (LP) upang tumakbong senador sa ilalim ng kanilang partido sa 2019 mid-term elections.

Ang ilan pa sa showbiz personalities na nasa listahan din ay sina Jim Paredes, Leah Navarro, at Dingdong Dantes.


Stories We Are Tracking

Dingdong, Agot, among possible LP senatoriables in 2019
Dingdong, Agot, among possible LP senatoriables in 2019


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN