Vice Ganda thanks all the men he loved before; reveals relationship that lasted eight years

IMAGE Photo grabbed from Gandang Gabi Vice

It's Showtime host Vice Ganda on past relationships: "Kasi ako, sa dami ng pinagdaanan ko, akala ng mga tao ang lungkot-lungkot ng love life ko. Hindi. Ang bubuti ng mga lalaking nakilala ko at minahal din naman nila ako."


Nagpasalamat si Vice Ganda sa mga dating boyfriend niya dahil naging mabait daw ang mga ito sa kanya at minahal din naman siya.

Isiniwalat din ng comedian-TV host na tumagal ng walong taon ang relasyon niya sa isang lalaki.

Sa episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime nitong Huwebes, September 13, isang contestant ng "Miss Q & A" segment ang nagbahagi ng kanyang malungkot na karanasan sa lalaking inibig.

Ang "Miss Q & A" ay contest para sa gays at trans women.

Sa pagbibigay ng love advice ni Vice, ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa mga naging boyfriend niya.

Sabi niya, “Don’t lose hope sa love.

"Kasi ako dati, sabi ko nga, mas madali pa akong nagkadyowa nung ang chaka-chaka ko, e, nung hindi pa ganito ang hitsura ko, e.

“May masasama siguro tayong karanasan in the past, pero hindi natin puwedeng i-generalize ng lahat ng tao.”

Patuloy ni Vice, “Kasi ako, sa dami ng pinagdaanan ko, akala ng mga tao ang lungkot-lungkot ng love life ko. Hindi.

“Ang bubuti ng mga lalaking nakilala ko at minahal din naman nila ako.

"Kaya kung nanonood kayo, thank you."

Sabi pa ni Vice, mayroon siyang nakarelasyong lalaki na nagtagal ng walong taon.

“To be fair naman sa mga lalaki, kasi pag sinasabi natin iyan, parang sinasabi natin kung gaano naman kasama ang puso ng mga lalaki.

“Meron at merong mga lalaking mabubuti ang puso na igagalang tayo at mamahalin tayo, at hindi magti-take advantage sa atin,” paliwanag ni Vice.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN