Gabby Concepcion considers 2008 as start of his showbiz career

IMAGE Jerry Olea

Gabby Concepcion on why he considers 2008 as the start of his showbiz career: "Ayoko na kasing balikan yung nakaraan. Kaya nagmu-move forward ako. 2008... kaya nga nagpapakilala ako, na nag-umpisa pa lang ako, 2008."


Taong 2008 nag-comeback si Gabby Concepcion sa local showbiz.

Iyon ang itinuturing niyang simula ng kanyang career bilang artista.

"Nag-umpisa ako [sa showbiz] noong ano, e, 2008 lang," pangiti-ngiting sambit ni Gabby nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa last shooting day ng pelikulang Man & Wife nitong Setyembre 13, Huwebes ng hapon, sa Insular Building, Alabang, Muntinlupa.

Ngunit ang totoo, nagsimula si Gabby bilang commercial model at nadiskubre sa isang toothpaste commercial noong 1980.

Noong taong din iyon napanood si Gabby sa kanyang unang pelikula, ang Katorse, kasama si Dina Bonnevie.

Pagkatapos noon ay naging sunud-sunod na ang pelikula niya bilang Regal Baby.

Kinilala siya bilang isa sa top matinee idol at kalaunan bilang mahusay na aktor.

Noong 1994 ay nasangkot siya sa Manila Film Festival scam.

Nang sumunod na taon ay nilisan niya ang showbiz at nanirahan sa Amerika.

Noong 2008 ay bumalik siya sa Pilipinas pagkatapos ng 13 taon.

Naging hudyat din iyon ng pagbabalik niya sa showbiz.

Binura na niya yung dati, nung Regal Baby pa siya at bago pumunta ng Amerika?

Paliwanag ng 54-year-old actor, "Di ba, comeback nga, e?

"Kaya dumating ako, pagbalik ko, doon lang talaga nag-umpisa ang buhay ko.

"Born again. Born again ako. Kaya anything before 2008... pasensiya na kayo, ha? Pasensiya na kayo.

"Ayoko na kasing balikan yung nakaraan. Kaya nagmu-move forward ako.

"2008... kaya nga nagpapakilala ako, na nag-umpisa pa lang ako, 2008.

"So, noong dumating ako sa showbiz, tuwang-tuwa naman ako. At nagpakilala ako ngayon.

"Sige na, tanggapin niyo na lang. Para at least, mag-umpisa tayo lahat, fresh!"

Patuloy ni Gabby, "Mula nang dumating ako nang 2008, anything that happens, you just take it.

"Every day, per day, by the day.

"Wala akong regrets. Because anything that happened to me in 2008 was just a bonus.

"Puro blessings. Puro pagpapasalamat.

"Like I always say, ‘no, I have nothing to complain about and everything to be thankful for.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, totoo, kumbaga, this is my second life.

"Para makabalik sa showbiz, na mabigyan ako ng ganitong blessing, ano pa ang iko-complain mo? 

"E, iyong iba pa nga, minsan gustong mag-umpisa ng buhay sa showbiz, hindi makatuntong.

"So, eto... sa tagal kong nawala, nabigyan ako ng second chance.

"So, feeling ko, first ano ko ito. First exposure ulit."

WORKING WITH JODI

Kumusta si Jodi Sta. Maria bilang leading lady niya sa Man & Wife?

"Naku, masaya! No conflict, wala. Magaan!

"Kasi, nag-lose weight siya, di ba? So, magaan!" natatawang pahayag ni Gabby.

Pero bawi ng Kapuso actor, "Hindi, joke lang! Pero masaya lang."

First time niyang nakatrabaho ang Kapamilya actress.

"Pero napapanood ko na siya sa TV," tila seryosong sabi ni Gabby. 

"I think, nauna siya sa akin. Kasi, 2008.

"So, mapalad tayo. Gulong ng palad! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Sa gulong ng palad, minsan ay nasa itaas. Minsan, nasa ibaba. Iyong 2008, nasa itaas?

Matamang lahad ni Gabby, "Iyong 2008, iyon pa lang talaga ako nag-umpisa kaya nagpapasalamat ako dahil medyo meron din namang improvement yung career ko.

"Di ba? Sinong mag-aakala na makakasama ko si Jodi ngayon? Di ba? Totoo lang."

Ayaw na niya sa mga dating leading lady niya?

"Basta, ano ko, 2008, iyon ang aking mga ano, good ano," pag-iwas ng aktor.

"Marami namang good things na nangyari sa akin noong bata ako.

"Pero yung nangyari sa akin sa showbiz, nung bumalik ako, e, talagang... ahhh, God’s gift.

"He says na, 'I’m giving you a new... yung ano namin dito, yung administrasyon, bibigyan ka namin ng second chance.' Di ba? 'Iyong panel dito, bibigyan ka ng second chance,' sabi nung Lord, di ba?”

Magaan si Jodi, at tugma ang schedules nila...

"Buti na lang, may time si Jodi, napagbigyan tayo. Ayan... so ngayon, nagsu-shooting kam.

"Sa dami ng kanyang schedule... busy ang kanyang schedule, at least, nabigyan tayo ng window para makapag-shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you, Jodi!" saad ni Gabby.

May next movie na si Gabby pagkatapos ng Man & Wife, kung sino man ang leading lady niya?

"Ahmm, wala," mabilis na tugon ng aktor. "Ahh, magde-December na, so magsu-show kami.

"May show kami sa Canada. Sa US, meron din.

"So, mag-uumpisa iyan... meron kami ngayong September 27, 28 hanggang October 5, 6.

"Nasa Winnipeg ako, Toronto. 'Tapos, kagagaling ko lang ng Seattle. Galing din akong New York.

"Baka bumalik din ako sa New York. And then, meron kami sa Oklahoma."

Nakakasama minsan ni Gabby sa mini-tour na ito ang singer na si Jam Morales, at minsan ay solo flight siya.

May gusto pa ba siyang makasama sa movie o mini-concert?

"Mga anak ko," sagot agad ni Gabby.

"Siyempre, mga mahal sa buhay. Nanay ko. Tita ko na nasa Amerika. Sana, dumating sila.

"Karamihan nga, napupuno yung mga show dahil sa mga kamag-anak ko, e.

"Kaya thank you very much, mga kamag-anak!!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN