Rhian Ramos plans to take short break from showbiz; eyes film course in New York

IMAGE Allan Sancon

Rhian Ramos looks forward to her white Christmas in New York City, but braces for the loneliness spending the holidays without her family will bring: "Malungkot nga pag winter, kung ma-lonely man ako at ma-miss ko ang family ko, I think it will be clear to me what my priorities are."

 


Plano ni Rhian Ramos na magpaalam sandali sa GMA-7 at mag-enroll sa isang film course sa New York nang ilang buwan.

Pahayag ni Rhian, “Improv, I just wanna take improvisation. It’s when you're acting na walang script.

“Parang it will teach you to be very present in the moment, react to all of the things.

“Kasi ang daming improv sa The One that Got Away, as in adlib lang ako nang adlib, salita lang ako nang salita. 

“Na-enjoy ko yun and I want to explore if there’s anything more I can do with that.

“I want to go to UCB, Upright Citizen’s Brigade. They teach a lot of comedy, stand-up comedy impromptu.

“Each course is about three-month long and I plan to take maybe beginner and intermediate, kung itu-total ko six.

“Pero I will take a break in between and come back just a little bit kasi never ko pang na-experience to be away from my family.

“I’ve never even lived outside of my house, never ko pang na-experience yung kailangan kong ipagluto yung sarili ko or maghugas ng pinggan."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa pocket interview ng ilang media para sa lalabas nyang action film na The Trigonal katambal ang taekwondo blackbelter na si Ian Ignacio.

Nasa leading cast din sina Epi Quizon, Christian Vasquez, at ang taekwondo champion na si Monsour del Rosario na ngayon ay representative ng Ist district ng Makati at nagbabalik na aktor.

Producer at director ng pelikula ang former muaythai world champion na si Vincent Soberano.

MOVING ON

Balak daw umalis ng Pilipinas ni Rhian sa November matapos ipalabas ang tatlo niyang pelikula: Trigonal sa September 26, Tres sa October 3, at Paano Siya Nawala sa October 4.

Paano siya nagpaalam sa Kapuso network?

Sagot niya, “My management and I wrote an email explaining kung ano yung balak namin, nag-meeting kami about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinanong lang nila sa akin yung mga details, klinaro ko lang din na it’s more of a personal thing for me and kailangan ko lang siya for my growth.

Sa susunod na taon mag-i-expire ang kanyang kontrata at ayon sa 27-year-old former commercial model, loyal siya bilang Kapuso.

Lahad niya, “I love my network and although I’m excited to leave, I’m also excited to come back.

“I’m just trying to take life day to day and enjoy all the moments my life finds interesting.

“Sakit kong mag-over schedule, I’ve always been like that; every day may nilalagay akong kailangan kong gawin.

“Ma-to-do-list ako, I’m always very forgetful so I need to write things down.”

Ang huling boyfriend ni Rhian ay si Jason Choachuy at tumagal ang relasyon nila ng tatlong taon.

Ibig bang sabihin nito ay mas binigyan niya talaga ng oras ang love life niya noon kaysa sa career?

“Ah, oo naman, we saw each other almost every day. Kahit busy we really tried.”

Ayon pa kay Rhian, Wala naman daw hinanakit na naiwan nang mag-break sila.

Sabi niya, “I think what makes it easiest is wala naman kaming galit sa isa’t isa and we still want the best for each other. 

“Mahirap lang namang mag-move on kung may hinanakit kayo sa isa’t isa, e. Kami, wala naman.”

At dahil single na ulit siya, mas may oras na nga raw si Rhian na magplano ng mga gusto niyang gawin.

Aniya, “Being  single I have nothing to focus on except myself, it’s a very selfish time with me and I’m okay with that.

“Sa ngayon, wala rin namang point na mag-entertain [ng manliligaw], kung balak ko rin namang mag-aral somewhere, paano kami magti-text?”

WHITE CHRISTMAS

Paano kung meron siyang ma-meet sa New York at mauwi sa long-distance relationship? 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Honestly, never kong na-dream na gugustuhin kong mag-long-distance relationship.

“I can’t speak  for the future, hindi mo alam kung ano ang magiging decision mo at that time, e.

“Pero wala sa frame of mind ko ang romance pag nandun ako. Feeling ko i-enjoy ko yung time ko.

“Malungkot nga pag winter, doon ako magki-Christmas, pero feeling ko i-enjoy ko.

“Last time I tried na mag-white Christmas, batambata pa ako. So medyo foggy pa yung memory ko at that time.

“Kung ma-lonely man ako at ma-miss ko ang family ko, I think it will be clear to me what my priorities are.”

Kung kaya ni Rhian na i-handle ang loneliness living abroad alone, inamin din niyang dumaan din siya sa depression.

Paliwanag niya, “Siguro dahil napagdaanan ko na a few times, may better understanding na rin ako of how my brain works and how I handle hardships.

“Dahil marami na akong napagdaanan na mahirap para sa akin, I don’t think there’s anything now that can beat me.

“I think it’s true talaga if you just give it time, you can get passed everything, and you’ll be surprised na ang dami pa palang life after pain.

“Kasi siyempre, nasa loob ka ng pain, akala mo hindi ka na makakalabas. Pero sa totoo lang, may future ka pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN