Lauren Young, Ejay Falcon fly to South Korea to film episode for K-Drama series

IMAGE @lo_young (left) / @ejaythefalcon on Instagram

Lauren Young and Ejay Falcon are now in South Korea to shoot for an episode of the new Korean Drama series Where Stars Land.


Isang napakalaking oportunidad ang dumating sa Kapamilya actor na si Ejay Falcon at Kapuso actress na si Lauren Young.

Napili sila para gumanap sa isang episode ng bagong Korean drama na Where Stars Land.

Base sa pagkakaalam namin, sina Ejay at Lauren ang mga kauna-unahang Filipino artists na mapapanood sa isang Korean drama na ipalalabas sa isa sa major network sa South Korea, ang SBS.

Umalis nung gabi ng Biyernes, September 14, papuntang Seoul, South Korea, sina Ejay at Lauren para filming ng Where Stars Land.

K-DRAMA ACTORS CONSIDERED FOR THE SHOW

Ang Where Stars Land ay may dating tentative title na Incheon Airport People kunsaan, naging matunog ang pangalan ng dalawang sikat na South Korean stars na sina Park Bo Gum (Love in the Moonlight) at Bae Suzy (Gu Family Book, While You We’re Sleeping) na inalok para maging bida rito.

Nang bisitahin nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Wikipedia ng Where Stars Land, nakasaad nga ang impormasyon na inalok ng production sina Bo Gum at Suzy, pero nakasaad din na una ring inalok ang mga Korean actor at actress na sina Hyun Bin (Secret Garden) at Park Shin Hye (Pinocchio,  The Heirs, Doctor.)

Pero sa final casting, ang South Korean actor na si Lee Je-hoon (Secret Door, Tomorrow, With You) at South Korean actress na si Chae Soo-bin (Love in the Moonlight, I’m Not a Robot) ang na-cast na mga bida ng 40-episode drama na Where Stars Land.

Episodic ang magiging style ng Where Stars Land na halos ang mga location ay madalas, sa mismong Incheon Airport gagawin.  Gaganap sina Ejay at Lauren bilang mga Filipino characters sa isa sa mga episodes ng drama.

 

EJAY AND LAUREN IN SOUTH KOREA

Dumating sa Incheon Airport sina Ejay at Lauren kahapon ng 4:30 a.m.  Lumipat lang daw ng terminal ang mga ito at diretso na sa kanilang unang araw ng taping at kunsaan, sumabak na agad sila sa isang malaking eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa September 22 ang balik nila sa bansa.

Parehong nag-post sa kanilang Instagram account sina Lauren at Ejay na nasa South Korea nga sila ngayon pero hindi pa nila binanggit o idinetalye ang dahilan kung bakit sila nasa South Korea.

Sa post ni Lauren, “Peace out MNL. Heading to Korea with @piamagalona to become a KPOP Superstar. Treat ourselves to yummy food, their culture and roam around this beautiful country for a week! Any recommendations or what to do and where to go?”

Sa post naman ni Ejay, “Opportunity Unlocked! #grateful #falconincheon.

 

View this post on Instagram

Opportunity Unlocked! #grateful #falconatincheon

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on

Ang bagong K-drama na ito ng SBS na magpa-pilot sa October 1 at mapapanood tuwing Lunes at Martes ng 10:00 p.m. (Korea Standard Time) ay may temang romance/melodrama na sinulat ni Kang Eun-kyung (The Baker King, Gu Family Book, Hotelier, Dr. Romantic) at ang director ay si Shin Woo-Cheol (Secret Garden, Lovers in Paris, A Gentleman’s Dignity). 

Ito ang ikalawang collaboration ng writer at ng director pagkatapos ng matagumpay na drama nila sa MBC na Gu Family Book.

Ang production company na namamahala ng produksiyon ay Kim Jonhg-hak Production at Shamhwa Networks. Sa SBS ito mapapanood pero posible raw na mapanood ang English sub nito sa VIU Philippines.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN